Julia at Joshua
Bumangka kahit support sa JoshLia, Mayor Bistek gamit na gamit na ni Kris!
(Pilipino Star Ngayon) - June 20, 2018 - 12:00am

SCENE: Malungkot ang fans nina Joshua Garcia at Julia Barretto dahil hindi nag-trending noong Lunes ang presscon ng I Love You, Hater. 

SEEN: Bumangka nang husto si Kris Aquino sa presscon ng I Love You, Hater kahit suporta lamang siya sa pelikula nina Julia Barretto at Joshua Garcia. Negative ang mga feedback sa pabida ni Kris sa presscon. 

SCENE: Gamit na gamit ni Kris Aquino si Que­zon City Mayor Herbert Bautista sa presscon ng I Love You, Hater. Nagmistulang desperada si Kris sa pagmamahal ni Herbert. 

SEEN: Nanay si Marian Rivera ng isang teenage actor sa anniversary episode ng Tadhana. Hindi isyu kay Marian ang pagganap na nanay dahil ina siya noon nina Nadine Samonte at Jennylyn Mercado sa Super Twins ng GMA 7.

SCENE: May sexy scene si Donnalyn Bartolome sa Cry No Fear dahil napapayag siya na magsuot ng underwear sa opening scene ng pelikula. Seksi at makinis ang balat ni Donnalyn kaya may karapatan siya na magpaseksi sa big screen. 

SEEN: Effective na kontrabida si Christopher Roxas sa Cry No Fear dahil kasusuklaman siya ng moviegoers sa kanyang mga eksena. Killer at rapist si Christopher sa Cry No Fear. 

SCENE: As of this writing ay hindi pa nag-a-apologize si Maine Mendoza sa paratang na naging insensitive siya sa Sugod Bahay winner na namatayan ng anak sa episode ng Eat Bulaga noong Lunes. Ipinaliwanag ni Maine na hindi nito agad narinig ang sinabi ng babae na ginaya niya ang pagsasalita. 

HATER I LOVE YOU JOSHUA GARCIA JULIA BARRETTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with