Kris
Kris ipinangangalandakan ang milyun-milyong suot
SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - June 20, 2018 - 12:00am

Joshlia sapaw na sapaw

Hindi lang pala sa paghu-host sa TV nagre-reyna si Kris Aquino. Maging sa paghu-host ng sarili niyang presscon ay walang maaaring tumalo sa kanya. Ang ginanap na grand presscon para sa comeback movie niyang I Love You, Hater ay maituturing na pinakamaganda at pinakamasayang paglulunsad ng isang pelikula. Hindi lamang naging masaya ang okasyon dahil sa pagiging open at sa pagiging matapat ng Queen of All Media dahil sa napakamahalagang impormasyon na ibinahagi niya sa media na may kinalaman sa kanyang puso. Nakita rin ang generosity niya sa pagsusulit sa effort ng mga press people at ng fans na ayaw tumigil sa kanilang pagtili bilang reaksyon sa bawat sabihin niya.

Aakalain mo na event yun ng isang Nora Aunor o Vilma Santos sa ingay ng fans pero bukod kina Joshua Garcia at Julia Barretto, it was Kris who received their loudest cheer.

Everyone thought na-in love si Kris sa ganda niya but, again, she gave credit to her very expensive and well designed outfit plus ‘yung nangingintab niyang alahas na pwede nang ipambili ng isang 3-bedroom condo unit. Lalo pa niyang pinabilib ang lahat nang walang kagatul-gatol niyang inamin na sadya ang pagpapaganda niya para pagsisihan ng mga ex niya ang ginawa nilang pagpapakawala sa kanya. May special mention siya kay QC Mayor Herbert Bautista. Inamin niya na may feelings pa rin siya sa pulitiko. Ganun din marahil sa ama ni Bimby Yap (o Aquino ba?) na bagaman at hate na hate niya ay sinabi niyang pwedeng pagkamalan itong pagmamahal.

Kris misses the acting part sa matagal niyang hindi paggawa ng  movie. Laking pasasalamat niya na na-assign maging direktor niya sa I Love You, Hater ang maganda at bagets na direktor na si Giselle Andres, isang baguhang pangalan pero, naging assistant director nina Marilou Diaz Abaya at Olive Lamasan sa marami nilang ginawang movies. Nagawa nitong mailabas ang one of Kris’ best performances na nagpataas lalo sa blood pressure nito.

Kasama ni Kris sa grand presscon ang JoshLia na mukhang kampante kay Kris dahil panay ang PDA na umagaw ng pansin ng lahat.

Inabot man halos ng maghahatinggabi ang presscon, walang narinig ni isa mang reklamo from the press na halos lahat at may bitbit na premyo mula sa pa-raffle ni Kris.

HATER I LOVE YOU JOSHUA GARCIA JULIA BARRETTO KRIS AQUINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with