Edu pinupuri sa pagiging VP

Ibang level na rin ang pagiging actor ni Edu Manzano.

Sa kanyang role sa Ang Probinsyano puring-puring si Doods. Iba nga naman at hindi ordinary character na parang hindi niya pa nagawa noon na ginagampanan niya ngayon sa pinagbibidahang series ni Coco Martin.

Nakita ang versatility niya. Kapani-paniwala ang atake niyang Vice president of the Philippines.

Actually, right decision ang ginawa ni Edu na piliin ang Ang Pro­binsyano kesa nagtiyaga siya sa Celebrity Bluff na bluffer lang at ang host ay si Eugene Domingo. Mukha lang kasi siyang katawa-tawa dun. Hahaha.

Eh dito sa Ang Probinsyano, iba ang husay niya. Natupad ang pagiging VP niya. Ibang klaseng VP nga lang.

Anyway, wala na raw kaplano-plano si Edu na makigulo sa pulitika. Maligaya na raw ang actor sa career niya. Kumandidatong VP noon si Edu.

Show comments