Marian
Social media sabog kina Marian at Zia
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - June 18, 2018 - 12:00am

Sabog ang social media sa Instagram photos ng Dantes family – Dingdong, Marian and Letizia.

Super trending ang bawat i-post ng mag-asawang Dingdong at Marian since the other day.

Nag-uunahan ang fans sa pag-like.

Sinorpresa ng mag-inang Marian and Zia ang actor ng isang dinner sa El Nido kung saan sila nag-quick vacation.

Favorite ng mag-asawa ang El Nido kahit nung wala pa sa eksena si Zia. “May kakaibang ukit talaga ang islang ito sa kwento naming mag-asawa. Sabi namin, balang araw, kailangang makarating din dito si Letizia. Kaya’t heto na siya, asim na asim sa sikat ng araw, at may bit-bit pang Babi-Yaw (manika niya),” sabi ni Dingdong.

Jolo may hugot, Jodi lalong namamayat

May emote si Vice Governor Jolo Revilla kahapon sa kanyang throwback Japan photo sa Instagram. “Enjoyed this serene view with my family when we visited Japan. The weather was a bit gloomy but later on, we saw the light breaking in from the thick clouds. Kahit mabalot man ang langit ng dilim, may liwanag pa rin na tiyak darating.”

Kino-konek ang nasabing hugot ni Jolo sa diumano’y hiwalayan nila ni Jodi Sta. Maria na nag-start sa kanyang birthday message sa social media the other day kung saan walang ‘I love you’ at tinawag lang niyang ‘Jods’ na ‘my asawa’ ang dati niyang tawag.

Dawit din sa isyu sina Rhian Ramos and Lovi Poe. Baka raw naman nagka-problema ang magkarelasyon dahil sa dalawang Kapuso actress na parehong kasama sa pelikulang Tres ni Jolo and Bryan and Luigi Revilla na malamang na isa sa official entries sa Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP).

Nanahimik pa si Jolo as of presstime hanggang ngayon kaya speculations pa lang ang sinasabing break up nila. Maging si Jodi ay ga­­nundin, nanahimik sa issue. Ang isa lang sigu­rado, kino-konek ang sobrang kapayatan ni Jodi sa nangyari raw sa kanila ng actor/politician.

Limang Pinoy Films bibida sa 21st Shanghai International Film Festival

Limang pelikulang Pilipino ang makikipag-compete at mapapanood sa gaganaping 21st Shanghai International Film Festival (SIFF) sa China simula Hunyo 16, 2018. Ang SIFF ay isa sa pinakamalaking festivals sa Asya kung saan noong 2017 ay nasungkit ng Pilipinas ang award na Golden Goblet para sa pelikulang Pauwi Na ni Paolo Villaluna.

Sa taong ito, dalawang pelikula ang for competition sa Asian New Talent - ang Respeto at Nervous Translation.

Sa Panorama Section, ang Smaller and Smaller Circles ni Raya Martin at I’m Drunk, I Love You ni JP Habac ang ipapalabas. Si Raya Martin ay miyembro din ng Jury para sa Asian New Talent this year.

Kabilang naman sa mga feature films ang Neomanila ni Mikhail Red sa The Belt and Road Film Week

 “It’s always thrilling to learn that these films continue to go around the world as proudly showcased in international film festivals. We wish our Filipino films the best of luck in SIFF,” sabi ni FDCP Chairperson at CEO na si Liza Diño na makikilahok sa SIFF bilang speaker sa High Level Forum on the Cultural and Economic Importance of Film and the Role of Copyright na hosted ng World IP Organization sa Hunyo 19-20.

Ang 21st Shanghai International Film Festival sa China ay tatakbo hanggang Hunyo 25, 2018.

DINGDONG MARIAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with