Chavit at Manny
Laging naka-eroplano sa lahat ng lakad, Sen. Manny ayaw paistorbo sa training
PIK PAK BOOM - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - June 18, 2018 - 12:00am

PIK: Malapit sa showbiz ang dating Gov. Chavit Singson, pero hindi niya pinipilit ang ibang anak niya na pasukin din ang showbiz.

Kung siya ang masusunod, gusto rin niya ng tahimik na buhay na hindi nasasangkot sa intriga.

Itong 22-year old na guwapong anak niya kasing si Christian ‘Young’ Singson ay sa sports nalilinya.

Siya ang manager ng Mandaluyong Tigers na kasali sa Maharlika Pilipinas Basketball League o MPBL.

Nung nakatsikahan namin si Manong Chavit, tinanong namin sa kanya kung type bang mag-artista nitong anak niyang si Young.

“Walang hilig yun,” mabilis na sagot ng dating Ilocos Sur Governor.

Basta nandiyan lang daw si Manong Chavit para gumabay at sumuporta sa kanyang mga anak.

Suportado ni Manong Chavit itong MPBL ni Sen. Manny Pacquiao na nagbukas nung nakaraang linggo.

Eroplano niya ang ginamit ni Sen. Pacquiao na naghatid sa kanya sa Maynila para daluhan ang opening nito at hinatid siya uli sa Gen. Santos City para hindi maabala sa kanyang training sa nalalapit nitong laban sa Malaysia.

PAK: Maganda ang feedback sa theme song ng Victor Magtanggol na kinanta ng grupong Ex Battalion. Ang isang miyembro nilang si Boskne1 ang gumawa nito at tuwang-tuwa siya dahil buma­gay sa bagong serye ni Alden Richards.

Nung ginawa raw niya kasi iyun wala raw siyang alam na para pala ito sa Victor Magtanggol. Basta nung sinabi lang daw sa kanya na para sa isang serye na may superhero, naisip raw niya si Thor. Ayun nag-swak kay Victor Magtanggol itong kantang Superhero Mo.

 Pero ang isa raw sa ikinatuwa nila ay nung nakasama nilang mag-record si Alden.

May dalawang miyembro pa ng Ex B na isinama na rin sa Victor Magtanggol.

BOOM: Isang kaibigan namin ang nag-react sa inilabas naming blind item tungkol sa utang ng isang kilalang aktor na lumipat ng katapat na istasyon.

Alam niya ang kuwento tungkol sa utang na iyun na ang ending itong si asawa pa pala ni aktor ang galit kapag sinisingil ito.

Ikinuwento niya sa aming tiyuhin pala mismo ni aktor ang inutangan ng 200 thousand pesos at binayaran ng talbog na tseke.

Ipinadala sa amin ang mga tsekeng inisyu ng asawa nung aktor at tatlo na run ang tumalbog. Kaya sinisingil nitong tito ni aktor ang kapalit na cash sa tatlong tsekeng tumalbog.

Pero itong asawa pa raw ni aktor ang galit at nanakot pang baka magsumbong daw ng cyber bullying dahil nabu-bully na raw siya nitong tiyuhin ni aktor.

Dating OFW pala itong tiyuhin ni actor at yung perang pinautang ay bahagi raw ng ipon niya na gagamitin sa kanyang retirement.

CHAVIT SINGSON MANNY PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with