Female TV personality na walang hilig sa ex deal, may dala laging calculator
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - June 14, 2018 - 12:00am

May mga restaurant na paboritong puntahan ang isang kilalang female TV personality. Impernes ay hindi siya mahilig sa ex-deal. Hindi niya kaliga ang isang babaeng TV personality na ayaw gumastos, kailangang libre ang mga kinakain nito, lahat ng bagay para sa kanya ay kailangang ex-deal lang talaga.

Pero may kuwento tungkol sa pagiging mabusisi ng female TV personality, kilalang-kilala siya sa pagiging ganu’n ng mga restaurant staff, lalo na ng mga table engineers (read: waiter).

Kuwento ng aming source, “Wala nang mas bubusisi pa kesa sa female TV personality na ‘yun! Ibang klase siya, mas matagal pa siyang mambusisi ng bill kesa sa kumain siya.

“Talagang isa-isa niyang tinitingnan ang kailangan niyang bayaran. Ilang ulam ba ang inorder nila ng mga kaibigan niya? Ilang rice? Ilang soda? At habang binubusisi niya ang bill, e, meron din siyang calculator!

“Walang halong exaggeration, pero totoong may sarili siyang calculator. Nagdududa siguro siya na baka tama ang pagkalista ng mga inorder niya, pero hindi naman tama ang presyong nakalagay sa bill!

“So, kapag ganu’n, e, alam na ng mga waiter kung ano ang gagawin. Magse-serve na muna sila sa ibang customers nila, baka nga umiidlip pa ang mga ‘yun sa sobrang tagal magbayad ng TV personality, e!

“Super-tagal niyang magbayad dahil kailangang ma-check muna niya kung tama ang kanyang kinain at babayaran!” tawa nang tawang kuwento ng aming impormante.

Bukod sa pagiging madetalye sa bill ay kilalang-kilala rin ang female TV personality sa pagiging kuring. Mahusay siyang humawak ng pera. Alam niya kung kailan siya bibigay at kung kailan siya magkukuripot.

“Una niyang tinitingnan kung meron nang service charge. Ibig sabihin, hindi na niya kailangang mag-iwan ng tip, dahil bayad na niya ang serbisyo ng mga nag-serve na waiters sa kanya.

“Hihingi siya ng official receipt, palagi siyang ganu’n, ginagamit daw kasi niya ‘yun sa pagbabayad ng tax. Aalis siya na walang kalaman-laman na kahit barya lang ang bill plate.

“Waley talaga, kasi nga, meron nang service charge! Magaling siya! Mahusay siyang humawak ng pananalapi! ‘Yun nga lang, masyado siyang dudera, kaya isa-isa niyang binubusisi ang bill na gamit ang sarili niyang calculator.

“Pero sa kabila nu’n, e, customer pa rin siya, walang problema sa mga ginagawa niya, saranghameda pa rin ang ibinabalik sa kanya ng mga restaurant staff,” natatawa pa ring pagtatapos ng aming source.

Kris at Sharon naipapasa ang depression sa mga netizen

Maraming nagbigay ng reaksiyon nang sulatin namin dito ang isyu na hindi magiging biktima ng depresyon at suicide sina Kris Aquino at Sharon Cuneta.

Sumang-ayon sila sa deklarasyon ng kaibigan naming doktor na malaking tulong ang nagagawa ng paglalabas ng saloobin ng dalawang sikat na personalidad sa social media. Lumuluwag ang kanilang dibdib.

Nababawasan ang bitbit nilang sama ng loob, nakapagsusumbong sila sa publiko, na parang may mga kapamilya at kaibigan din silang naiiyakan.

Sabi pa ng kaibigan naming propesor, “That’s right, it’s a big help. Di ba, sabi nga ng mga psychiatrist, e, napakahalagang mailabas mo ang mga bagay-bagay na nagiging cause ng depression mo? Sumigaw ka raw sa harapan ng mirror, magpunta ka raw sa ituktok ng bundok at du’n mo ipagsigawan ang mga problema mo.

“Pero bakit ka pa nga naman lalabas, e, nand’yan naman ang mga gadgets mo? Click ka lang nang click, that’s the easiest way out nga naman!” opinyon ni prop.

Positibo at may leksiyon namang ipinaalala si SOS, ang aming silent critic tungkol sa isyu, ang kanyang sabi, “Agree po kami sa doctor na nakakapag-unburden sila sa social media kaya malayong mag-suicide sina Sharon at Kris.

“Ang kaso lang po, sa kagaganu’n nila, e, naipapasa naman nila ang negativity sa mga netizens, kaya baka ang mangyari, e, ang mga netizens ang ma-stress at ma-depress!

“Sana po, e, sa mga pamilya na lang nila magsumbong sina Kris at Sharon, huwag na sa mga netizens na nagiging shock absorber nila. Tama na po ang mga kadramahan at baka ang mga netizens ang mag-suicide sa sobrang inis at yamot sa kanila! Charot!” seryosong-komedyang sultada pa ni SOS.

Ha! Ha! Ha! Ha! Witty!

KRIS AQUINO SHARON CUNETA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with