Vice Ganda
Vice vindicated!
SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - June 13, 2018 - 12:00am

Vindicated na si Vice Ganda sa tinanggap niyang Dolphy Memorial Award na tinatawaran ng marami at sinasabing hindi niya deserved dahil mismong mga anak ng namayapang si Dolphy ang nagkumpirma pagkatapos ng FAMAS awards night na walang tumutol sa pagkakapili nila kay Vice para maging kauna-unahang recipient ng said award. Sabi rin nina Epy at Boy 2 Quizon na nung nabubuhay pa ang kanilang ama ay napapatawa ito ni Vice.

Ibig sabihin lang ay effective ang komed­yante sa kanyang pagko-comedy at wala namang tututol sa tagumpay na tinatamasa nito ngayon.

Sana lang ay nag-effort ito na dumalo para tanggapin ang award niya bagaman at her mother more than proved na deserved ng kanyang ina na i-proxy siya.

Allen may dalawa pang pelikula na pang best actor

Llamado lagi si Allen Dizon sa FAMAS awards. Nakakaapat na Best Actor na siya na ang pinakahuli ay nakuha niya para sa pelikula niyang Bomba na nagbigay din sa kanya ng kaparehong award sa A-List 33rd Warsaw Film Festival, 4th Sinag Maynila Independent Film Festival at 16th Gawad Tanglaw.

May dalawa pa siyang pelikula kay Brillante Mendoza, ang Maguindanaw at The Right To Kill na inaasahang magbibigay din sa kanya ng Best Actor trophy.

Agot gagawin lang bala sa pulitika

Huwag nang pag-isipan pa ni Agot Isidro kung papasok siya o hindi sa pulitika. Masaya na siya sa kanyang buhay artista lalo’t kinilala na ang galing niya sa pag-arte ng FAMAS. Hinirang nila siyang Best Actress sa katatapos na bigayan nito ng awards para sa pelikula niyang Changing Partners. Magugulo lamang ang buhay niya lalo’t hindi naman siya maka-administrasyon. Magagamit lamang siyang bala laban kay Duterte. Tama ‘yung bumabanat siya outside of politics. She is more appreciated as an actress who has something important to say kaysa kapag nagpulitika siya na kalaban lamang ang pwede niyang tirahin pero, hindi ang kapartido niya.

DOLPHY MEMORIAL AWARD VICE GANDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with