Drew at Iya mahilig sa madalicious meals!

MANILA, Philippines — Mas maraming aabangan ang fans ng San Miguel Purefoods dahil mas le-level up pa ang cooking skills nina Drew Arellano at Iya Villania sa Season 4 ng cooking show nilang Home Foodie.

Bukod sa ilang tips sa kusina, patuloy na magbabahagi ang mag-asawa ng Madalicious meals (madali na, delicious pa).

Dalawang bagong chef din ang mapapanood sa show bukod kay Chef Llena Tan-Arcenas na siyang magga-guide kay Drew at sina Chefs Martin Narisma at John Valley naman kay Iya.

Samantala, bawat episode naman ay itatampok ang Madalicios meals versions ng trending dishes mula sa iba’t ibang restaurant.

Nariyan din ang kitchen hacks na masarap panoorin at ang mga classic favorites na hinding-hindi mauubusan ng twists.

Syempre, hindi mawawala sa mga pagkaing ito ang San Miguel Purefoods products.

Mapapanood na ang San Miguel Purefoods Home Foodie Season 4 simula June 11, 2018 mula Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Unang Hirit.

Ex-b tiyak magpapakitang gilas sa pelikula

Muling bibida si AiAi delas Alas sa isang movie pero this time, makakasama niya ang alaga niyang rap group na Ex-Battalion. Ito bale ang unang movie na tatampukan ng nasabing grupo at first time rin nilang makakasama ang Comedy Queen.

Nakatakda nang mag-shooting ang nasabing pelikula na ipo-produce ng Viva Films.

Wala pang detalye ang nasabing pelikula na isinulat ni Mel del Rosario at ididirek naman ni Dado Lomibao.

Napanood na nating umarte ang mga member ng Ex-B sa isang episode ng Magpakailanman at may cameo roles din sila sa ilang serye.

Kaya sa upcoming movie ng Viva Films ay mahuhusgahan ang mga member na sina Emcee Rhenn, King Badger, Skusta Clee, James Brando at Flow G. kung may ibubuga ba sila sa pag-arte.

Nagsimulang mapansin ang grupo sa kanta nilang Need You two years ago na sinundan ng Tell Me, No Games at ngayon nga, ang Hayaan Mo Sila.

Tiyak na mararamdaman din ang galing sa pagra-rap at pagkanta ng grupo sa pelikula.

Show comments