Kris inatake na naman!
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - May 31, 2018 - 12:00am

Nabago na ang playdate ng Star Cinema movie na I Love You, Hater dahil sa halip na June 13 na siyang original playdate, sa July 11 na ang showing ng pelikula. Mas pinagaganda siguro ni direk Giselle Andres ang movie lalo’t part ito ng anniversary ng Star Cinema at comeback movie ni Kris Aquino sa said film firm.

Kapag natapos ang shooting ni Kris, tiyak na mami-miss niya sina Joshua Garcia at Julia Barretto na naging close sa kanya.

Nakuwento pala ni Kris na inatake na naman siya ng allergy habang nasa shooting siya at dahil namantal ang mukha at braso, pinauwi na lang siya. Environmental ang nakitang rason ni Kris sa another bad allergy attack dahil hindi siya kumain.

Samantala, this Thursday na ang launching ng sinasabing endorsement niya sa isang cosmetics line.

Gabbi at Ruru  kinasusuklaman ng fans!

In fairness, parehong bina-bash sina Ruru Madrid at Gabbi Garcia ng ilang GabRu fans nila dahil binuwag ang kanilang love team at ipinapareha na sila sa iba. Dagdag na rason nang pamba-bash ng fans ng dalawa ang pagkaka-link nila sa iba.

Nakakaloka dahil kahit alam ng fans na may BF si Valeen Montenegro, pinagseselosan pa rin siya ng GabRu fans dahil close siya kay Ruru. Minumura nila si Valeen.

Grabe rin ang naging karanasan ni Gabbi dahil sa sobrang galit ng isang fan, nagbanta na pati pamilya nila ni Khalil Ramos ay kanilang idadamay. Tinawag pang gaga si Gabbi at sinayang daw nila ni Ruru ang four years na pagsuporta nila sa kanilang love team. “Hala ka gurl” na lang ang na-react ni Gabbi.

Lalo pang magagalit ang GabRu fans nito dahil sa gagawing indie film ni Gabbi, si Khalil ang kasama. May gagawin ding movie si Ruru na iba rin ang kapareha at para hindi agad ma-bash ang aktres, ‘wag muna natin siyang pangalanan.

Alfred pinayuhang w’ag munang bumili ng mamahaling sasakyan ang young co-stars

Biniro namin si Cong. Alfred Vargas na “may pa-chocolate si Congressman” dahil habang ini-interview sa taping ng Kambal, Karibal, nagpalabas siya ng Kitkat at Nestle chocolate. Kasama sa pasalubong ni Alfred sa cast ng teleserye ang mga chocolate na natikman namin.

Two weeks ding hindi nakapag-taping si Alfred dahil nag-Carribean cruise sila ng kanyang pamilya. Na-book na niya ang bakasyon nang malaman ang panibagong extension ng KK.

Habang nasa ibang bansa, napatunayan ni Alfred na marami ang nanonood ng KK at ang nakatutuwa pa, “Bebe Ko” ang tawag sa kanya ng mga Pinoy. ‘Yun ang tawag sa kanya ni Jean Garcia na tumatak sa viewers.

Pasalamat si Alfred na hindi pinatay ang karakter niya habang siya ay nasa bakasyon at pinalabas lang na na-comatose siya. Masaya ito na naging part siya ng KK  na bukod sa maganda ang feedback at rating, nakasama niya sina Marvin Agustin at Carmina Villarroel at ang young cast na magagaling.

Ang ganda ng payo ni Alfred kina Bianca Umali, Kyline Alcantara, Pauline Mendoza, Jeric Gonzales at Miguel Tanfelix, mag-ipon sila habang kumikita at ‘wag makisabay bumili ng mamahaling sasakyan. Unahin ang kanilang future para kahit wala na sila sa showbiz, maayos pa rin ang kanilang buhay. Ginawa ito ni Alfred noong active pa siya sa showbiz, kaya ngayon, maayos ang kanyang buhay at ang pamilya.

HATER I LOVE YOU JOSHUA GARCIA JULIA BARRETTO KRIS AQUINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with