^

PSN Showbiz

Ronnie inamin na ang tunay na relasyon kay Vice

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon
Ronnie inamin na ang tunay na relasyon kay Vice
Ronnie

Nora paluging naibenta  ang mga lupain

PIK: Sobrang love ni AiAi delas Alas si Alden R­ichards kaya tuwang-tuwa siya nang kinuha ang alaga niyang Ex Battalion na gumawa at kumanta ng bagong drama series niya sa GMA Tele­babad na Victor Magtanggol.

Napakinggan namin ang kan­ta at hindi ito pang-PR, maganda talaga.

Ang daling sabayan, may recall at bagay na bagay sa konsepto ng serye na bago kay Alden.

Panibagong challenge naman talaga kay Alden itong Victor Magtanggol pagkatapos niyang mag-drama, magpakilig at magpakabayani sa mga naka­raang drama series niya sa GMA 7.

Isang family, drama, adventure at fantasy itong Victor Magtanggol na lalong magpapakinang sa husay ni Alden bilang aktor.

PAK: Nakapag-ikot kami sa isang lalawigan sa Bicol at napuntahan namin ang dating bahay ni Nora Aunor na hindi na niya ngayon pag-aari.

Napag-alaman naming binenta pala ang kauna-unahang bahay niya sa bayang iyun sa halagang 380 thousand pesos lamang.

Taong 1986 pa raw ‘yun ibinenta ni Nora sa tulong ng isang kaibigan sa ganung halaga lamang. Nakakalungkot dahil nagkakaproblema ang mga pag-aari niya sa bayang kinalakhan at ngayon ay nagkakademandahan pa.

Kapag pumunta na siya sa bayang iyun, naghu-hotel na lang ang Superstar dahil naibenta na ang lahat ng kanyang pwedeng tuluyan.

Iyung bahay nga niya na naibenta sa murang halaga ay gustong bilhin ng ilang taong gustong tumulong sa kanya, sa halagang triple, pero ayaw daw talagang ibenta ng nakabili.

BOOM: Nagulat kami kay Ronnie Alonte nang makasama namin sa fiesta ng Ragay sa Camsur  kamakalawa ng gabi.

Magaling pala siyang kumanta, na sinasabi niyang mas gusto niyang gawin kesa sa sumayaw.

Talagang pinagkaguluhan siya nang husto ng fans na karamihan ay mga bagets na halos mahi­ma­tay sa katitili sa kanya.

Sandali naming nakatsikahan doon si Ronnie at natawa na lang siya sa mga malisyosong komento sa closeness nila ni Vice Ganda.

Si Ronnie lang kasi ang isinama ni Vice bilang guest sa nakaraang concert series niya sa Canada at Amerika.

Ipinagkibit-balikat na lang iyun ng Kapamilya young actor.

“Matagal na ‘yan. Hindi na kami apektado.

“Close naman talaga kami. Kami nina Zeus close kami sa kanya….parang nanay-nanay namin siya,” pahayag ni Ronnie.

Sa grupo ng Hashtag, sila raw ni Zeus ang pinaka-close kay Vice Ganda.

vuukle comment

AIAI DELAS ALAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with