Coco
Kampo ni Coco tinangging bibili ng isla worth P250 Million
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - May 27, 2018 - 12:00am

Fake news.

Ito ang sagot ng manager ni Coco Martin tungkol sa sinulat ni Nay Lolit Solis sa column niya dito sa PSN at sa kanyang Instagram account recently.

Nakalagay kasi sa nasabing item na diumano’y bibili si Coco ng property sa Balesin Island in Quezon Province worth P250 million. “Good afternoon Nay Lolit. Ay now ko lang na read. Wiz True Nay na Buy si anak ng Property sa Balesin. As in Fake News. Salamasteh Nay Lolit,” sabi ni Biboy Arboleda na manager ni Coco.

At ang reply ni Nay Lolit “libre mo na lang kami sa Balesin.”

Hahaha.

Angelica at JM, pinalaki ang personal na problema

May niluluto raw pelikula sina Angelica Panganiban at JM de Guzman kaya may ibang nagdududa na baka naman hindi seryosohan ang kanilang ‘drama’ sa social media.

Nauna nang pinalaki ang isyu na umano’y BI as in bad influence si Angelica kay JM dahil nga inaaya raw nitong mag-inom ang actor na dalawang beses nang na-rehab. Kaya nagsalita ang tatay ni JM na isang professional photographer na wrong company ang nasamahan ng anak. Pero umalma sina JM at Angelica.

At ang latest, nag-sorry na si JM sa ama. “I sincerely apologize. I was wrong. Sorry for hurting your feelings. I’m really sorry dad. I love you. @ronnieldeguzman.

“You don’t have to disrespect and insult others simply to hold your own ground. If you do, hat shows how shakey your position is.”

Hula nila, si Angelica ang susunod na magso-sorry at magiging ok na ang lahat.

Puwede naman daw kasing nag-usap-usap na lang sila sa text or viber kung talagang may isyu ang tatay ni JM kay Angelica.

Ganunpaman, abangan na lang natin ang That Thing Called Tadhana 2 na umano’y sequel ng matagumpay na pelikula nina Angelica and JM.

KC nakalibre ng apartment sa Malaysia, gf nanalo sa The Apartment

Ang fiancée pala ni KC Montero na si Stephanie Dods ang nanalo sa reality show na The Apartment, ang largest interior design game show sa Asia. Last month pa siya nanalo, pero kahapon lang napanood sa cable channel.

Bilang premyo, isang apartment sa Malaysia ang napa­nalunan nito, two bedroom apartment ha.

Kaya hindi nakakataka kung titira sila ng Malaysia pagkakasal.

Nag-proposed si KC sa beauty queen/designer last December habang nasa bakasyon sila sa US.

Fil-Kiwi si Stephanie at pinanganak sa New Zealand at dating fashion buyer and designer.

Ex ni KC sina Geneva Cruz and Rhian Ramos.

COCO MARTIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with