Maxine babu na ang forever kay Marx!
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - May 18, 2018 - 12:00am

Break na pala si Maxine Medina at ang kanyang boyfriend na si Marx Topacio.

Na-sad ang friends and relatives ng dalawa dahil hindi naging forever ang kanilang pitong taon na relasyon. Very supportive pa naman si Marx kay Maxine nang i-represent nito ang Pilipinas sa 65th Miss Universe noong January 2017.

Nakita ko sina Maxine at Marx sa Mabuhay lounge ng Philippine Airlines noong June 2017, Osaka bound ako at papunta naman sila sa London.

Hindi kami personal na magkakilala nina Maxine at Marx pero namukhaan ko ang mhin dahil umaapir siya noon sa Encantadia. Na-feel ko na parang gusto ni Marx na magbigay-pugay sa akin pero nagdalawang-isip siya dahil hindi nga kami personal na magkakilala.

Bakit nga ba nakikipaghiwalay sa kanilang mga boyfriend ang mga babae kapag nagkakaroon sila ng mga beauty title? Nangyari na ito noon kina Daisy Reyes, Miriam Quiambao, Janine Tugonon at ngayon, kay Maxine. 

Siyempre, iba naman ang kuwento ni Megan Young na going strong ang relasyon kay Mikael Daez. Boyfriend na ni Megan si Mikael bago siya sumali sa Miss World Philippines noong 2013 at hanggang ngayon, tuloy pa rin ang love affair nila, kahit tapos na ang kanyang reign bilang Miss World.

John Lloyd ginagaya si Nanette

Si Nanette Medved ang female counterpart ni John Lloyd Cruz na hindi natakot na talikuran ang fame and fortune na hatid ng showbiz.

Si Nanette ang living proof na may ibang buhay ang mga artista bukod sa pag-aartista. Pinili ni Nanette na maging private citizen at mamuhay nang normal pero patuloy ang pagtulong niya sa mga nangangai­langan sa pamamagitan ng mga foundation na kinaaniban niya.

Mga kaibigan ni Nanette ang mga Lopez ng ABS-CBN. Kung gugustuhin niya, puwedeng-puwede siya na maglambing na magkaroon ng television show pero hindi ito ginawa ni Nanette na tama ang desisyon na talikuran ang showbiz dahil mas maligaya siya ngayon.

I hope na maging male counterpart ni Nanette si John Lloyd na nakakabilib talaga ang desisyon na mamuhay nang ordinaryo at tahimik. Bibihira ang kagaya ni John Lloyd na nagkaroon ng lakas na iwanan ang showbiz habang sikat na sikat siya.

Renz naging kasing ganda ni Lorna 

Copycat ni Lorna Tolentino ang kanyang anak na si Renz Fernandez nang magbihis-babae ito at naglagay ng nunal sa mukha para sa isang eksena sa The One That Got Away na ngayon ang last night sa telebisyon.

Bading ang role ni Renz sa The One That Got Away at naaliw si LT dahil kuhang-kuha niya ang kilos at ang nunal sa ilalim ng ilong ng kanyang ina.

Effective na gay si Renz sa magtatapos na primetime teleserye ng GMA 7. Wish ko lang, hindi ma-typecast si Renz sa mga gay character tulad ng nangyari kay Paolo Ballesteros na puro bading ang role sa lahat ng mga pelikula niya mula nang sumikat siya bilang King of Make Up Transformation.

Pero gaya nang madalas ko na sabihin, never na pagdududahan ang sexual preference ni Renz dahil lalakeng-lalake siya.

MARX TOPACIO MAXINE MEDINA MISS UNIVERSE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with