Press at media ayaw tantanan sina Ellen at John Lloyd!
SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - May 18, 2018 - 12:00am

Matigas lamang ang ulo ng marami nating media practitioner. Sa kabila ng tahasang pagpapakita ng magdyowang John Lloyd Cruz at Ellen Adarna ng kanilang kawalan ng pagpapahalaga sa kanilang trabaho na nagpaganda ng kanilang buhay ay patuloy ang paghahabol nila sa dalawa, sa tuwing makakakita sila ng pagkakataon.

Tulad na lamang  nitong huling dumalo sa isang art exhibit ang magaling na aktor, nakipag-usap naman ito sa kanyang mga dinatnan pero nang magsimula na siyang tanungin tungkol sa showbiz ay umiwas na ito at nagsabing hindi na siya sumasagot ng tungkol sa showbiz.  ‘Yun na, kaya, tantanan n’yo na siya!

KC nasobrahan daw  ng pagiging  independent

Isang nakapanghihinayang na relas­yon sa pagitan ng isang mag-ina ang sa kasalukuyan ay pinagdaraanan ng mag-inang Sharon Cuneta at KC Concepcion.  Ayaw namang isisi ni Mega ang paglawak ng pagkakalayo ng damdamin nilang mag-ina sa isa’t isa dahilan sa pagiging independent nito na gusto rin naman niya, ‘yun nga lang sumobra ang pagiging malaya ng kanyang anak kung kaya feeling niya ay tuluyan nang nawala ito sa kanya.

Ito ang ipinagsisintir ng Megastar at wish niya ay mawakasan na. Miss na niya ang panga­nay niya.

Enrique binigyan ng bagong partner?!

Ang daming naging interesado bigla sa gumaganap ng role ni Marikit sa seryeng Bagani na si Charlie Dizon. Hindi pamilyar ang mukha niya at kahit sabihin pang myembro siya ng huling batch ng Star Magic na inilunsad kamakailan ay marami pa rin ang nagugulat dahil kakaiba ang itsura niya sa inilunsad ng Star Magic, ang tanging nakakapagpahanga sa kanila ay ang ipinamamalas niyang husay sa pagganap.

Sa takbo ng istorya, may tsansa pa siyang ma­ging isang Bagani at maging bagong love interest ni Enrique Gil sa pagkamatay ni Ganda (Liza Sobe­rano).

Hindi naman kaya umalma ang LizQuen fans?

Barbie at Jak  hanggang holding hands lang

Kuntento na lang sina Barbie Forteza at Jak Roberto na maghawakan ng kamay sa harap ng madlang pipol. Kapag sumobra pa dito ay papalag na ang network nila dahil ipinapareha pa ang dala­wa sa mga ibang Kapuso artists.

Wala namang problema rito ang magka-relas­yon. Masaya sila sa kalayaang ipinagkakaloob sa kanila ng kanilang trabaho.

Nakakalabas sila tuwing libre sila, hindi naman bawal, ‘yun nga lang kulang ang oras. Abala si Barbie sa Inday Will Always Love You at si Jak naman sa Contessa. Seryoso ang relasyon nila but not to the point na nag-uusap na sila ng mas seryosong bagay tulad ng kasal. Masyado pang maaga para rito at marami pa silang gustong gawin sa buhay nila, tulad ng pagsuporta sa kanilang mga pamilya.

Si Jak, maswerte na tumutulong rin ang kapatid na si Sanya Lopez sa pangangalaga ng kanilang ina at kabuhayan.

ELLEN ADARNA JOHN LLOYD CRUZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with