Actor at aktres na may sariling mundo nagli-live in na!
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - May 16, 2018 - 12:00am

Hiwalayan super eklay lang

Magsisigaw man ngayon sa ibabaw ng bundok ang isang magkarelasyon tungkol sa estado ng kanilang pagmamahalan ay mahihirapan na silang paniwalain pa ang publiko.

Ang una nilang niloloko ay ang kanilang mga sarili, para paniwalain nila ang mga taong sumusubaybay sa kanila na tapos na ang kanilang relasyon kahit hindi pa, ay hindi ang publiko ang kanilang niloloko.

Kinakalakal ng magkarelasyong ito ang kanilang pagmamahalan. Isinusuko nila kung kailangan para sa personal nilang interes. Ibang klase rin ang magdyowang ito.

“Nu’ng sinabi ng guy na nagkakaroon sila ng problema, e, madalas siyang natutulog sa house ng girl. Di ba naman, outright na panloloko ang ginagawa nila? Pinalalabas nilang hiwalay na sila, pero ang totoo, e, sila pa rin naman!

“Pareho lang silang ganu’n! Para lang sa promo ng mga pelikula nila, e, kaya nilang paikutin ang publiko at ang mga sarili nila mismo!” naiinis na kuwento ng aming source.

Sa isang guesting ng lalaki ay sinabi niya na nagkakaproblema sila ng kanyang girlfriend. Pero hindi pa raw naman siya nagsasalita nang tapos, iniaayos pa raw nila ang anumang hindi nila pinagkakasunduan, dahil mahal nila ang isa’t isa.

“Sinabi niya ‘yun sa interview, di ba? Pero kumustahin n’yo kung saan siya tumuloy after ng interview? Sus, sa house siyempre ng girl, nandu’n lang siya, ganu’n ba ang hiwalay na?

“Nakakaloka ang magkarelasyong ‘yun! Nagagawa nilang laruin pati ang puso nila. Nakukunsensiya nilang paniwalain ang publiko na tapos na sila, pero saan ka, together na together pa rin naman sila!” madiing komento ng aming impormante.

Isang araw, kapag totoo nang hiwalay sila, ay pagtatawanan na lang sila ng publiko. Wala nang kakagat sa kanilang mga drama dahil kilalang-kilala na sila sa pagiging gimikero at gimikera.

“Pinagtatawanan na lang siguro sila ng kanilang mga ex. Para kumita lang ang pelikula nila, e, idinadamay nila pati ang personal nilang buhay? Nakakaloka talaga sila!

“Playboy pa naman ang guy at may sariling mundo ang girl, kaya magsama silang dalawa na parehong ewan!” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Sharon nasaid na ang pasensya kay Gabby

Nagsalita na nang tapos si Sharon Cuneta na hinding-hindi na niya gagawin ang pelikulang pagtatambalan dapat nila ng kanyang dating karelasyong si Gabby Concepcion.

Hindi ngayon, dahil sa mga susunod na linggo at buwan, bahala na si Batman! Napuno na siguro ang Megastar dahil sa dami ng mga rekotitos na hinihingi ni Gabby.

Pumayag na nga naman siyang mas malaki ang talent fee ng aktor, pumayag na rin siyang mas mauna ang pangalan nito sa billing, pero kung anu-anong kaartehan pa rin ang pinalulutang ni Gabby.

Sana’y ang kanilang mga taga­suporta na lang ang iniisip ni Gabby, huwag na ang kung anu-anong interes, bilang pagbabalik ng pasasalamat sa kanilang mga fans ay nakipagkita na lang sana si Gabby sa gitna.

Sabi ng aming source, “Meron pa ngang agency na kumukuha sana sa kanila ni Gabby para mag-endorse ng isang product, pero hindi natuloy, si Gabby rin ang naging problema. Okey na si Sharon, napakadali niyang kausap.

“Kung ano ang decision niya, ‘yun na rin ang dapat maging decision ng manager niya, walang kaproble-problema! Pero si Gabby na naman ang naging dahilan, kung anu-ano ang hinihingi niya, kaya ayun, shelved ang TVC sana nila,” pahayag ng impormante.

Kaya huwag nang umasa ang kanilang mga diehard followers na magkakaroon pa ng posibilidad ang muling pagsasama sa pelikula ng kanilang mga idolo.

Nagsalita na si Sharon, at kaya niyang panindigan ang kanyang sinabi, hindi ngayon at sa mga susunod na linggo at buwan. Hinding-hindi. Ayaw na niyang makatrabaho ang ama ng kanyang panganay.

GABBY CONCEPCION SHARON CUNETA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with