^

PSN Showbiz

Darren at Jayda mina-match!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Darren at Jayda mina-match!

Malapit na magkaibigan na ngayon sina Darren Espanto at Jayda Avanzado. Dalagita na ang labing-apat na taong gulang na anak nina Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado at marami ang nagsasabing bagay daw sila ni Darren kapag magkasama.

“I’ve been friends with him for a while now. We officially met like three years ago and then we started talking on social media. And he’s just a genuinely good person. He’s like one of my good friends,” pagbabahagi ni Jayda.

Ngayon ay recording artist na rin ng Star Music si Jayda at kamakailan ay nailabas na ang single na may titulong Text. Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto ni Jayda na makatrabaho si Darren sa isang proyekto. “Yeah! I’d be open to that. I’d love to do a song with him,” giit ni Jayda.

Madalas kayang nagpapalitan ng text messages sina Darren at Jayda? “Not in that way. But yeah, we do text,” sagot ng young singer.

Nakatakdang mag-guest si Jayda na concert ni Darren na gaganapin sa May 26 sa Kia Theater.

Young Jv happy sa piling ni Miho

Kamakailan ay kontrobersyal na pinag-usapan ang ginawang beauty enhancement o pagpaparetoke ni Miho Ni­shida. Suportado naman daw ito ni Young JV na sinasabing espesyal umano sa puso ng baguhang aktres.

“Ang sabi ko sa kanya kung saan ka masaya gawin mo. ‘Wag ko isipin kung ano sasabihin ng ibang tao, kung saan ka masaya. I’ll always be supportive sa kanya, mukhang happy na happy siya eh. Okay siya doon pero sabi ko rin sa kanya, ‘Okay na ‘yan ha,’” nakangiting kwento ni Young JV.

Aminadong may espesyal na ugnayan sa pagitan ng dalawa pero ayon sa aktor at recording artist ay wala pa raw label ang kanilang relasyon ni Miho. “Yeah! I guess we can say that we don’t wanna give labels yet. Ayaw muna na­ming sabihing, ‘Oh, tayo na!’ So I guess sa akin ka lang, gusto ko na siya muna ang magsalita,” paliwanag ng binata.

Para kay Young JV ay naninibago pa siya sa relasyon nila ni Miho lalo pa’t ga­ling ito sa isang relasyon. Matatandaang naging kasintahan ni Miho ang nakasama rin sa Pinoy Big Brother house at nakatambal na si Tommy Esguerra. “May mga fans din, siyempre hindi naman po natin maiiwasan. Wala naman po akong issue sa kanila kaya happy lang ako,” pagtatapos ni Young JV.

vuukle comment

DARREN ESPANTO

JAYDA AVANZADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with