Cristine at mister nagdedmahan nung Mother’s Day

Poll watcher at teachers nakalimot sa batas nang makita si Kris

SEEN: Binabatikos ang mga poll watcher at teacher na nagpakuha ng litrato sa loob ng poll precinct na kasama si Kris Aquino nang bumoto ito kahapon. Ipinagbabawal ng COMELEC ang mga camera at selfie photo sa mga poll precinct.

SCENE: Tiniyak ni  Quezon City District V House Representative Alfred Vargas na nakabalik siya sa Pilipinas mula sa three-week US vacation nila ng kanyang pamilya para makalahok siya sa naganap na eleksyon kahapon.

SEEN: Hindi na pina-follow ni Cristine Reyes ang Instagram account ni Ali Khatibi kaya lalong lumakas ang kutob na may problema ang pagsasama nila pero ginagamit pa rin niya ang family name ng asawa. Wala ring update si Ali nung Mother’s day sa kanyang IG account.

SCENE: Nangungulila nang husto si Andrew Muhlach sa pagkawala ng kanyang ama na si Cheng Muhlach. Nasanay  si Andrew na tuwing umaga, pinupuntahan niya si Cheng sa kuwarto nito para makipagkuwentuhan.

SEEN: Parang bumalik si Aiko Melendez sa pagiging teenager dahil sa mga kilig post niya para sa kanyang boyfriend, si Subic Mayor Jay Khonghun.

SCENE: Bukas na sa publiko ang burol ni former Senator Edgardo Angara sa Heritage Park, Taguig City. Ililibing si Angara sa bayan niya sa Baler, Aurora sa Linggo, May 20.

SEEN: Dinalaw ni Jinggoy Estrada sa New York ang kanyang half-brother na si Joma Ejercito. Isang buwan na magbabakasyon sa Amerika si Jinggoy at ang pamilya niya.

SCENE: Itinanggi ni Nora Aunor ang balita na nabawi na niya ang lupa sa Bicol na kinamkam ng kanyang mga kamag-anak dahil hindi pa raw tapos ang kaso.

Show comments