Sikat na celebrity consistent sa pagiging isnabero sa selfie!

Isang grupo ng mga kababayan nating waiters ang nagpista tungkol sa isang kilalang-kilalang male personality. Nagserbisyo sila sa isang malakihang labanan sa golf. Maraming artistang sumali sa tournament.

?Natural, puro mga sikat na personalidad ang nandu’n bilang kalahok, kaya sabi ng mga waiters, siguradong makakarami sila ng makaka-selfie kapag bakante na sa pagpalo ang mga artista.

?Pero isang datihan nang waiter ang nagpayo sa kanyang mga kasamahan, sabi nito, “Okey lang na makipag-selfie kayo sa lahat ng mga artistang nandito ngayon. Walang problema sa kanila. Hindi sila suplado.

?“Pero huwag na huwag kayong lalapit at magta-try kay ____(pangalan ng sikat na male personality), mabibigo lang kayo, hindi niya kayo papansinin. Tandaan n’yo ang sinabi ko, dededmahin lang niya kayo!” sabi ng senior waiter sa kanyang mga kasamahan.

?Minarkahan ng mga bagitong waiters ang payo ng kanilang kasamahang datihan na, pero meron pa ring nagtangka sa grupo, nilapitan ng mga ito ang pamosong male personality.

?Kuwento ng aming source, “Masaya pa raw ‘yung male persona­lity habang nakikipagkuwentuhan sa phone, tawa siya nang tawa, kaya pagkatapos niyang makipag-­usap, e, lumapit na sa kanya ang tropa ng mga waiters para makapagparetrato sa tabi niya.

?“Magagalang ang mga waiters, nakiusap sila sa male personality kung puwede silang makipag-selfie. Tatlong ulit nilang sinabi ‘yun, pero parang bingi at bulag ang hinahangaan pa naman nilang lalaking personalidad.

?“Inulit nila ang pakiusap nilang makapagpa-picture taking sa male personality, pero deadma pa rin siya. Naisip ng mga waiters, tama ang payo sa kanila ng head waiter nila, suplado nga ang male personality.

?“Wala talagang pinagbigyan ang kilalang-kilalang male personality, deadma siya sa lahat, ni hindi man lang niya tinitingnan ang nakikiusap sa kanya.

?“Sabi sa kanila ng head waiter, ‘Sinabi ko na naman sa inyo kung gaano siya kasuplado, di ba? Nuno ng kasupladuhan si ____(ang male personality)! Ni hindi nga marunong magpasalamat ‘yun, hindi tulad ng ka­patid niya na marunong makisama at makibagay!

?“Mula nu’n, hindi na nila pinanonood ang mga pelikula nu’ng male personality, hindi na rin nila pinanonood ang malditong ‘yun sa TV! Suplado!” sabi pa ng aming naiinis na source.

?Ubos!

Kris yari, Korina magiging ninang ng bunso ni James at Michela

Nagpakamanghuhula ang mga kababayan natin sa lumabas na kuwentong tinanggap na ni Korina San­chez ang pagnininang sa ikalawang anak nina James Yap at Michela Cazzola.

?Hula ng mga netizens ay bubula na naman ang bibig ni Kris Aquino kapag naganap ‘yun, siguradong parang dragon na namang magbubuga ng apoy ang aktres-TV host, dahil parang kinakalaban na talaga siya ng misis ni Mar Roxas.

?‘Yun ang usap-usapan ngayon, kinuha nang ninang nina James at Michela ang palabang news anchor para sa ikalawa nilang anak. At pumayag naman si Ate Koring.

?Walang mali, sakali ngang totoo ang balita, may karapatan sina James at Michela na ku­ning ninang ng kanilang anak ang kahit sino. Sila ang mga magulang ng bata, sila lang ang may karapatang mamili kung sino ang gusto nilang maging pangalawang magulang ng kanilang supling, walang maaaring manghimasok sa kanilang gusto.

?Walang karapatang magalit si Kris kung tanggapin man ni Korina ang pagnininang, naniniwala rin si Korina sa kasabihan na malas ang pagtanggi sa pagnininang sa munting anghel, kahit pa ang simpleng panayam lang nito sa magkarelasyon ay ikinagalit na ni Kris sa kanya.

?Puwedeng isipin ni Kris na talagang tinitirya siya ni Korina, na talagang inaasar at iniinis siya, pero ano naman ang krimen kung magninang nga si Ate Koring sa binyag ng bata?

?E, di mag-anak na lang uli siya, kunin din niyang ninang si Korina, para it’s a tie na ang laban, di ba naman?

Show comments