Zaldy
E Best scholars tuloy ang pagsusumikap!
(Pilipino Star Ngayon) - May 4, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang taon matapos makamit ang minimit­hing college diploma, ang mga scholars ng Eat, Bulaga ay patuloy parin sa pagbuo ng kanilang mga pangarap.

Noong 2009, sa 30th anniversary ng program ay inilunsad nito ang Eat, Bulaga Excellent Student Awards o E Best Awards para tumulong sa mga mahihirap na elementary at high school students mula sa iba’t ibang rehiyon ng bansa upang maipagpatuloy ang kanilang secondary at tertiary education. Maliban sa full scholarship grant, nagbigay din ang show ng monthly allowances at cash assistance.

Isa sa mga pinalad na matulungan nito ay si Isah Clarisel Lilia, isang AB Political Science graduate mula sa Unibersidad ng Pilipinas, Diliman campus. Nakapagtapos ito noong 2017 at sa kasalukuyan ay first year law student sa nasabing eskwelahan.

Tulad ni Clarisel, natanggap din ng Bulacan native na si Angelica Nieva ang kanyang degree noong nakaraang taon mula sa Bulacan State University. Ayon dito, naging inspirasyon niya ang show para kumuha ng kursong AB Mass Communication major in Broadcast Journalism.

Ngayong taon din, ipinagdidiwang ng Eat, Bulaga ang pagtatapos ng 18 EBest college scholars mula Luzon, Visayas at Mindanao. Bawat isang scholar ay nagpakita ng sipag, tiyaga at dedikasyon na maabot ang kanilang mga pangarap.

Kasama sa listahan sina Lemuel Butilla (BS Education major in Filipino, Northern Mindanao Colleges), Eries Isderio (BS Education major in Physical Science, Capiz State University), at Zaldy Felisilda (BS Accountancy, University of Bohol) na nakapagtapos na magna cum laude.

Ayon kay Zaldy, ang pagkakapili sa kanya bilang isang EBest scholar ay isang malaking oportunidad na makapagbigay ng mas maayos na buhay para sa kanyang pamilya.

Ang EBest Awards ay isa lamang sa mga proyekto ng Eat, Bulaga! sa halos apat na dekada nito sa telebisyon. Naglunsad din ito ng iba’t ibang proyekto tulad na lamang ng EB Classroom Project, Isang Lapis Isang Papel Project, EB Heroes at ang konstruksyon ng mga AlDub libraries nationwide. 

BULAGA EXCELLENT STUDENT AWARDS EAT ZALDY FELISILDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with