Jed ramdam na ramdam na laos na

Aminado si Jed Madela na nakaranas siya ng de­presyon ilang buwan na ang nakalilipas.

Ayon sa singer ay maraming mga bagay ang kanyang mga pinagdaanan kaya naranasan niya ito. “It was a moment in my life na naging toxic lahat. I guess I was surrounded by the wrong people. I’m reading a lot of negative things online, siguro nagpatung-patong na. I’m not the type who can release the sama ng loob sa pagsasalita, siguro naipon lahat. Na-discover ko na you really have to stop and assess your life. Kasi kung ginagawa mo ang isang bagay just for the heck of money or just because of work at hindi ka na happy, nakakadagdag siya sa depression and anxiety,” pagbabahagi ni Jed. Pakiramdam ng singer ay hindi na siya sikat kaya minsan na lamang siyang napapanood sa telebisyon. “Na-limit ‘yung performances ko sa ASAP. So I felt unwanted and insignificant kasi hindi na ako sikat or hindi na nila ako kailangan. It was the fans who really made me feel better. They would message me saying, ‘Kuya Jed, nandito pa rin kami.’ Personally I don’t want to call them fans kasi nahihiya ako. They’re family to me, they are friends. I’m better now. I needed time to rest things. I needed to be surrounded by the right people, by the right projects. I’m doing a bit better, not fully recovered but better than before,” kwento ng premyadong singer.

Para kay Jed ay malaking parte na rin ng buhay ngayon ng mga tao ang social media kaya mas pinipili niyang magpakapositibo dito. “Now I try to keep my social media positive. Lahat ng mga pino-post ko, all happy things and if ever may mga nega naman fini-filter ko nang kaunti. It’s very confusing and difficult world now. One thing that I learned is to simplify life kasi mag-e-enjoy ka talaga ng buhay,” pagtatapos niya.

Barbie na in love na kay JM

Si Paul Salas ang napababalitang kasintahan ng pinakabagong Kapamilya leading lady na si Barbie Imperial. Para sa aktres ay hindi niya muna pinagtutuunan ng panahon ang buhay pag-ibig at mas pinagbubutihan pa ang trabaho.

 “Ngayon po kasi honestly focused lang ako sa career. Kasi siyempre matagal ko ‘tong hinintay para sa family ko. So priority ko ‘yung career ko and family. Hindi ko naman po hawak kung ano talaga ang para sa amin ni Paul. Ini-enjoy lang po namin kung ano kami ngayon. Bahala napo si Lord. Kung kami talaga, kami,” makahulugang pahayag ni Barbie.

Si JM de Guzman ang katambal ng aktres sa tele­seryeng Araw Gabi kaya posible umanong magkaroon ng espesyal na ugnayan ang da­lawa. “Hindi ko po alam pero mabait po talaga si JM. Sa nga­yon po kasi talaga, wala eh, work, work, work. Kami po ni JM ngayon sobrang close po namin as in close,” giit ni Barbie.

Show comments