^

PSN Showbiz

Bagets aktor malalim ang galit sa ama

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Galit ang isang bagets na aktor sa kanyang ama dahil iresponsable raw ito.

Nag-dialogue ang bagets na hindi nito kinikilala ang tatay na matagal nang walang communication sa kanya at hindi nagpakita ng suporta sa showbiz career niya.

May mga nagpapayo sa bagets na huwag magtanim ng sama ng loob laban sa ama niya para good karma siya. Dedma ang bagets sa mga good advice dahil kung meron daw siya na dapat pasalamatan, ito ay ang nanay niya na solo na nagpalaki sa kanya.

Malalim ang hinanakit ng bagets sa sariling ama at panahon lang ang makapagsasabi kung lalambot pa ang puso niya para patawarin ang tatay na nagbigay sa kanya ng buhay.

Maricel hindi na mabubura ang naiambag sa showbiz!

Sayang dahil hindi nakarating si Mother Lily Monteverde sa intimate presscon para kina Eric Quizon at Maricel Soriano sa Novotel noong Lunes.

Kung dumalo si Mother, lalong magiging masaya ang presscon dahil sa dami ng mga throwback story tungkol sa pagsisimula ng showbiz career ni Maricel Soriano.

Kakaunti lang ang nakakaalam na si Maricel ang original choice para magbida sa Katorse, ang blockbuster launching movie ni Dina Bonnevie noong 1980.

Hindi tinanggap ni Maricel ang offer dahil 13-years old pa lamang siya noon kaya napasakamay ni Dina ang project and the rest is history.

Pero hindi pinakawalan ni Mother si Maricel na pinapirma pa rin niya ng kontrata, binansagan na isa sa mga Regal baby at ginawang bida sa Underage, kasama sina Dina at Snooky Serna.

Si Mang Dolphy na tatay-tatayan ni Maricel ang mentor at adviser nito kaya utang na loob ni Maricel sa Comedy King ang successful showbiz career niya.

Ang malaking nagawa ni Mother Lily sa career at buhay niya ang isa lamang sa maraming dahilan kaya pumayag si Maricel na magkaroon ng special participation sa My 2 Mommies.

Walang talent fee o malaking budget na pinag-usapan sina Maricel at Mother Lily. Basta para kay Mother, all-out ang support ni Maricel na gandang-ganda ako nang magkita kami noong Lunes.

Natawa si Maricel sa dialogue ko na virgin pa siya nang magkakilala kami noon dahil ito naman ang katotohanan.

Original daughter ng showbiz si Maricel dahil nasubaybayan ng lahat ang pagdadalaga niya, ang kanyang mga success at ups and downs kaya icon na siya ng local entertainment industry. Never nang mabubura ang name ni Maricel sa history ng Philippine showbiz.

Yasmien hindi natakot tumalon sa Jones Bridge!

Mapapanood ngayong hapon sa Hindi Ko Kayang Iwan Ka ang buwis-buhay na eksena ni Yasmien Kurdi sa Jones Bridge na kinunan noong Sabado.

For art’s sake ang dahilan ni Yasmien kaya tumang­gi siya na magkaroon ng body double nang umakyat siya sa ledge ng Jones Bridge.

Ito ang sharing in the city ni Yasmien tungkol sa buwis-buhay na eksena na ginawa niya para sa Hindi Ko Kayang Iwan Ka.

“Nag-offer naman ng double ang production ngunit pinili ko na ako na ang gumawa para mas maging makatotohanan ang eksena. “Sa gilid naman ay kabang-kaba ang mga production staff dahil nakakalula ang taas ng Jones Bridge. Sakto naman na dumaan ang malaking barko habang kinukunan ang eksena na lalo pang nagpaganda.

“Kailangan kasi na malayo ang mga tao sa set para walang makita sa wide shots. Ang nakikita lamang ay ang mga sasakyan na dumadaan. Naka-drone camera ang shot. May mga safety measures naman kaming sinunod para maging safe ang lahat,” ang kuwento ni Yasmien tungkol sa kakaibang karanasan niya sa taping ng top-rating afternoon drama series ng GMA 7.

vuukle comment

MARICEL SORIANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with