Kris nag-sorry kina Noynoy, Mar, at pres. Duterte

Hindi nag-social media break si Kris Aquino, pero sa magkasunod na posts niya kahapon sa Instagram (IG), blank space at music lang ang maririnig. Sa isang post, black space ang makikita at dito siya nag-sorry sa mga nasaktan at nagpaalam muna sa followers niya sa IG.

Part ng posts ni Kris: “So i will collect my thoughts & try my best to forgive regardless of the fact no remorse has ever been shown. I apologize for inclu­ding politics, but that is the unfortunate baggage & responsibility of my last name. But i will not delete any posts because my anger comes from the heart of a mother who has been unnecessarily stepped on by someone who has been blessed w/ a loving & devoted husband and does not know the hardship of having to go it alone”, “I do sincerely apologize to my brother. And I apologize to President Duterte. And Mar, to you i am sorry”, “I’ll be back after i have found my peace. Until then, to all those who still found it in their hearts to understand & embrace me & my sons-you have my eternal gratitude. #laban.”

Sa isa namang post, kulay pink ang space at ibinalita lang na may TVC shoot sila ni Bimby, isa sa maraming endorsements nilang mag-ina. Bukas, Wednesday, magsisimula nang mag-shooting si Kris ng Star Cinema movie na I Love You, Hater.

 Basta isang gabi lang Solenn payag ipatikim ang asawa sa iba!

‘Kaloka si Solenn Heussaff, willing siyang ipahiram ang asawang si Nico Bolzico sa mga babae at beki na nagnanasa rito, pero isang gabi lang daw at kung willing ang asawang mahiram siya.

Kwento ni Solenn sa presscon ng My 2 Mom­mies, hindi si Paolo Ballesteros ang unang gustong mang-agaw sa kanyang mister. May mga ba­bae na ring lumapit sa kanya at sa halip na magselos, happy siya na maraming nagkakagusto sa asawa. Ibig sabihin lang daw nito, yummy ang husband niya.

Paalis si Solenn dahil may show sila nina Migo Adecer, Tetay at Dennis Trillo sa Dubai sa May 3 produced ng DJMC in cooperation with ng GMA Pinoy TV, GMA News, Kabayan and GMA News Life. 

Sa May 9 ang showing ng My 2 Mommies sa direction ni Eric Quizon.

Siguro nasa bansa na si Solenn sa premiere night ng movie na Mother’s Day presentation ng Regal Multimedia Inc. 

Enjoy si Solenn na magpaka-mommy kahit sa movie muna dahil next year pa niya gustong magbuntis.

 Ken pinaghandaan si Jaclyn

May rason kung bakit special participation lang si Ken Chan sa The Cure at dahil ito sa may gagawin siyang bagong teleserye.

“Ibang experience madirek ni Mark Reyes at makatrabaho si Ms. Jaclyn Jose. Sobrang kabado ako bago mag-taping, pinanood ko ang movies niyang Ma Rosa at Patay Na Si Hesus bilang paghahanda. Sinaulo ko rin ang lines ko para hindi ako magkamali dahil nakakahiya at baka magalit siya. Wala naman pala akong dapat ikatakot, sobrang bait niya at okay sa kanya kahit magkamali ka, okay naman at hindi ako nagkamali. Saka, si Ms. Jaclyn pa ang nagdyu-joke,” sabi ni Ken.

Sa April 30 na ang pilot ng The Cure at gaya sa ibang cast, excited na si Ken sa airing nito at sa feedback ng viewers. Kampante siyang magugustuhan ng viewers ang epidemic drama dahil ibang takot at gulat ang ibibigay sa viewers.

 Anne may bagong career na

Hindi na lang artista si Anne Villegas, talent manager na rin siya at may sariling talent agency. Ang Light of Life (LOL) Talent Management ay kanyang binuo para makatulong sa mga may talent na gustong mag-showbiz.

Sa ngayon, may 20 aspiring singers, stars, models under Anne’s LOL Talent Management at ilan sa kanila ay lumalabas na sa shows ng ABS-CBN at GMA 7. May stage performers din at commercial mo­dels.

Last Saturday, April 21, formal na ni-launch ang LOL Talent Ma­nagement sa isang show na ginanap sa Activity Center ng Wilcon Mall sa Visayas Avenue. After ng show, ang contract signing ng talents ng LOL na kung saan, three years ang pinirmahang kontrata.

Show comments