^

PSN Showbiz

Luis binalikan ng mga natulungan!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Luis binalikan ng mga natulungan!

Ate Vi nakipagsabwatan

Nakakaiyak naman yung birthday celebration ni Luis Man­zano na ginanap sa programa niyang I Can See Your Voice. Special guest niya ang mom niyang si Cong. Vilma Santos-Recto na nagpakila­la ng mga naging contes­tants sa show na tinulungan financially ng kanyang anak. Si Cong Vi rin ang pumili ng mga sing-tunado at singer pero, hindi siya ang nakipag-duet sa huling pinili niya kundi si Luis na parang joke na sumiklab sa katatawanan dahil out of tune ang host ng show.

Luis has all the reasons to be happy and generous dahil bukod sa may mata­gumpay siyang negosyo at kare­ra sa showbiz, maganda rin ang relasyon ng da­lawa niyang pamilya, ang Manzano at Recto.

Regine nagpipigil makipag-relasyon

Hindi si Regine Tolentino na mas kilala sa kanyang pagsasayaw kaysa sa kanyang pag-aartista ang naiinip makamtan ang hinihiling niyang annulment ng kanyang marriage kay Lander Vera Perez kung hindi ang dalawa nilang anak na babae.

Matapos nga namang magpasyang maghiwalay ng kanilang mga magulang ay apat na taon nang tumatakbo ang isinampa nitong annulment sa korte. Matagal ang nasabing panahon na pawang trabaho lamang ang pinagtutuunan nito ng panahon para mabigyan ng magandang bukas ang kanyang mga anak at wala para sa kanyang sarili.

At kahit ang mga anak na mismo ang nagtutulak para magkaro’n siya ng lovelife ay talagang hindi niya magawa hangga’t legal pa ang kasal nila ng da­ting asawa. May magandang ka­hi­hinatnan naman ang kanyang  pag­hihintay dahil nararamdaman niya na anytime soon ay maibibigay na ang kanyang kahilingan na ma­ka­pagsimulang muli bilang isang malayang babae. Hindi niya lubhang napagtuunan ng pansin ang kan­yang annulment dahil bukod sa pag­papalaki sa kanyang mga anak na ganap nang mga dalaga ngayon ay abala siya sa kanyang negos­yo at paghahanda para sa isang bonggang Labor Day celebration sa April 28 sa San Fernando, La Union na tinatawag na By the Beach Fitness Party at magtatampok ng mahigit sa isang libong zumba enthusiasts.

Bong nagpa-plano ng pelikula nila ni Jinggoy

Bakit nga naman nakalabas na ng PNP Custodial Center ang dating senador na si Jinggoy Estrada pero, si Bong Revilla ay nananatili pa sa loob? Buti na lamang at hindi nawawalan ng pag-asa ang huli na nagpapasalamat na nagagawa niyang bisitahin ang kanyang pamilya, lalo na ang kanyang ama, sa mga panahon na kailangan ang presence niya.

Muli, nabuhayan ng pag-asa si Bong dahil nalaman niya na baka payagan na siyang makalaya. Kung si Jinggoy ay nalamang babalikan ang karera sa pulitika, ang tanging nalalaman tungkol kay Bong ay ang pagbabalik niya sa showbiz. Nasa kasagsagan ang pelikula ng mga anak niya na sila rin ang prodyuser. Gusto naman niyang magkaro’n ng hand sa pagggawa nito at baka kapag natapos ito ay gumawa sila ng pelikula kasama si Jinggoy.

Sylvia  sawa nang maapi

Kaya nga magaling na artista si Sylvia Sanchez ay dahil nagagawa niyang lumabas sa kanyang comfort zone at i-risk ang kanyang kasikatan sa pa­ma­magitan ng pagganap bilang kontrabida sa bago niyang proyekto. Inamin nito na pagkatapos ng The Greatest Love at Hanggang Saan ay giliw na giliw na siyang magpahirap ng buhay ng mga bida.

Nagsawa na siya sa pagiging api sa mga huli niyang teleserye kaya magta-try naman siya ng bagong role. Wala naman siyang pag-aalala na baka hin­di siya maging kasing effective kapag bida siya pero, sa ikagaganda ng karera niya ay handa siyang mag-experiment at sumubok ng bagong role.

vuukle comment

LUIS MAN­ZANO

VILMA SANTOS-RECTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with