^

PSN Showbiz

VM Joy gustong baguhin ang reputasyon ng payatas! ; Sikat na aktor at aktres naghiwalay nang magbakasyon

PIK PAK BOOM - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
VM Joy gustong baguhin  ang reputasyon ng payatas! ; Sikat na aktor at aktres  naghiwalay nang magbakasyon

PIK: Masuwerteng nabigyan ang ilang movie press ng scho­lar­ship grant ng TESDA nang ini-launch ang bagong campaign nilang Skills 2D Max sa pakikipagtulungan ng TESDA Secretary Guiling ‘Kuya Gene’ Mamondiong, General Manager ng National Housing Authority na si Marcelino Escada Jr. at si Mother Ricky Reyes.

Ang Payatas sa Quezon City ang isa sa mga be­neficiaries ng TESDA na kung saan tumulong sila roon ng mga naninirahan para paaralin sa TESDA.

Kaya nagpapasalamat ang QC Vice Mayor Joy Belmonte, dahil dito raw sa Payatas ang gusto talaga niyang tulungan para makaahon sila sa kahirapan kapag may natutunan na sila sa TESDA.

Dagdag na pahayag ni Vice Mayor Belmonte; “Nakilala po kasi ang Payatas sa isang di magandang reputasyon. Kaya isa sa mga gusto nating gawin ay baliktarin po natin ang reputation na yan upang ipakita na ang Payatas ay puwedeng umunlad at may mga tao rin po diyan na puwedeng mapaganda ang kanilang mga buhay. Kaya nagku-concentrate po kami diyan.

“We have 500 beneficia­ries ang Payatas at sila po ay hiniwalay namin. May mga out of school youth at me­ron din pong mga solo parents.

“Mas marami palang solo parents kesa sa senior citizens. Marami pong mga kababaihan na nagpapa­laki ng kanilang pamilya na walang katuwang sa buhay. At gusto ko rin po dun mag-concentrate because these are the mothers who have to raise their children.”

PAK: Walang kagatul-gatol na nagpahayag ang character actor na si DJ Durano; “Hindi ako Laila Dee!”

‘Yan ang termino ng mga bading sa mga lala­king nakatihaya lang pagdating sa pakikipagniig sa isang bading.

Hindi naman ipinagkaila ni DJ ang nakaraan niya sa mga bading lalo na ang sa kanila ng nasirang direktor na si direk Wenn Deramas.

Nagsalita si DJ sa radio program ni Noel Ferrer na Level Up: Showbiz Saturdate nung nakaraang Sabado at doon siya nagpahayag na huwag daw sana lagyan ng malisya ang kung ano man ang relasyon nila ni direk Wenn. Silang dalawa lang daw ang nakakaalam ng kung ano ang namagitan sa kanila.

In-open daw niya ito lahat sa babaeng pakakasalan niya pati sa pamilya nito, dahil ang sampung taong relasyon nila ni direk Wenn ay ang pinaka-the best na bahagi ng kanyang buhay.

BOOM: Mukhang natuloy daw sa hiwalayan ang relasyon ng magkasintahang sikat na aktor at aktres.

Napabalita noon ang kanilang hiwalayan, at sumunod ay nagkaayos daw nang magkita sila sa lugar na pinagbakasyunan ni aktres.

Pero ayon sa aming source, hindi raw naisalba ang relasyon, kundi maayos daw nilang napag-usapan ang paghihiwalay at doon daw tinuldukan ang lahat at nagkaroon ng tamang closure.

Hindi na lang sila magsasalita tungkol sa break-up, dahil kahit natapos ang relasyon, nanatiling magkaibigan naman daw sila.

vuukle comment

JOY BELMONTE

PAYATAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with