Paolo gusto ang asawa ni Solenn

Paolo at Solenn

MANILA, Philippines — Timely ang description ni Paolo Ballesteros sa Mother’s Day movie nila ni Solenn Heussaff na My 2 Mommies ng Regal Films.

 “Ang gusto naming ipakita is a different kind of mother. Kasi ang alam natin pag Mo­ther’s Day, the usual na nasa card na puro mama.

 “Tama naman ang nasa movie, hindi lang naman babae ang nanay, ‘di ba?” paha­yag ng actor.

Ayon pa kay Paolo, ang pagi­ging ina ay hindi lang nakukuha sa biological attachment at nagbanggit pa siya ng ilang kababaihan na naging ma­bu­ting ina sa batang hindi naman sila ang nagluwal.

“Merong ibang klaseng nanay, ‘yung iba nawala ‘yung nanay at ang naging nanay, ‘yung kapatid, so it’s a different kind of mo­ther,” paliwanag niya.

Anyway, nakakaram­dam si Paolo ng pressure sa My 2 Mommies nga­yong recently lang ay na­na­lo na naman ng award ang 2016 blockbuster mo­vie niyang Die Beautiful na nakapag-uwi na ng mara­ming acting awards here and abroad.

Naunang kinilala ang hu­say ng pagkakaganap niya sa Die Beautiful sa 2016 Tokyo International Film Festival and 42nd Metro Manila Film Festival. He also bagged the Film Ambassador Award by the Film Development Council of the Philippines.  

Ang nasabing recognitions ang nagpapa-challenge sa Eat Bulaga Dabarkad’s para mas husa­yan pa, particular na nga sa My 2 Mommies.

“Lahat nang ginagawa ko gusto ko yung tsina-challenge ko yung sarili ko, so I make sure na 100 percent yung binibigay ko.” Kaya ibang level daw na Paolo ang mapapanood sa araw ng mga ina.

Tungkol naman sa kanyang leading lady na si Solenn Heussaff, Paolo has nothing but good words for Solenn.

This is their first collaboration in a movie, and Solenn is Paolo’s personal choice for the project. 

“Everybody look up to her. I really like her perso­nality, at napakatalented niya. Maganda na, brainy pa, plus na yung fit and sexy! Gusto kong maging siya, at gusto ko din si Nico (husband ni Solenn),” sabay tawa nito.

Bida rin sa movie si Maricel Soriano, directed by Eric Quizon.

Reporter ng GMA pasok sa listahan ng mga magse-senador

Bakit kaya si Jiggy Manicad ang lumutang kahapon na kakandidatong senador sa election next year? Bakit hindi sina Mike Enriquez or Arnold Clavio?

Si Jiggy bukod sa pagiging repor­ter ng GMA 7 ay filmmaker din – may ginawa siyang movie nung  2013 ang Dance of the Steel Bars.

Mas popular sina Igan at Mike kay Jiggy na nakasama sa listahan ng mga pinangalanang possible senatoriables ng PDP kasama si Freddie Aguilar.

Ang reaction sa social media, baka naman daw biro lang ‘yun o bakit hindi muna sa barangay election sumubok ang GMA reporter.

Classic Movies binalik sa mga sinehan

Pormal na binuksan ang Cinema Classics noong Miyerkules sa pamama­gitan ng premiere ng digitally restored at remastered 1992 hit drama film Ikaw Pa Lang Ang Minahal na dinaluhan mismo ng lead star nito na si Maricel Soriano.

Bukod sa obra ni Carlos Siguion Reyna, tampok din sa naturang cinema exhibition ang dalawa pa sa pelikula ni Ri­chard Gomez na Hihintayin Kita Sa Langit at  Kapag La­ngit Ang Humatol.

Mapapanood din sa Cine­ma Classics ang res­tored na mga pelikula ni Mike De Leon na  Kaka­bakaba Ka Ba?, Sa Aking Mga Kamay ni Rory QuintosDon’t Give Up On Us ni Joyce Bernal, Langis at Tubig ni Danny Zialcita, One More Try ni Ruel Bayani, Ligaya Ang Itawag Mo Sa Akin ni Carlos Siguion Reyna, at The Mistress ni Olivia Lamasan.

Ang Cinema Classics ay bahagi ng advocacy campaign ng ABS-CBN Film Restoration na Sagip Pelikula na nagla­layong mapanatili ang Philippine cinematic legacy sa pamamagitan ng pag-restore ng classic Filipino films at ipamalas uli ito sa bagong hene­rasyon ng mga manonood gamit ang iba’t ibang platforms.

Pumunta na sa Glorietta at Trinoma para mapanood ang mga digitally restored and remastered film mula ngayong Miyerkules (Abril 18) hanggang Martes (Abril 24). Ang ticket ay nagkakahalaga ng P220 at mayroon discounted price para sa estu­dyante na P180.

Mahigit 120 titulo na ang nairestore nila kung saan ilan sa mga ito ay naipalamas na sa international film fests, naipalabas sa bansa via red carpet premieres, naere sa free-to-air at cable television, natunghayan sa pay-per-view at video-on-demand, nabili sa DVD at na-download maging sa iTunes.                            

Show comments