Rachelle nakaraos na sa kasal, Coleen ngayon na maaangkin ni Billy

Sina Billy Crawford at Coleen Garcia naman ang ikakasal ngayong araw sa Balesin Island in Quezon Province.

Kahapon ay legal Mrs. Martin Spies na si Rachelle Ann Go. Kinasal na nga ang Broadway star sa sinasabi nga ni Rachelle sa previous interviews na man of God at talagang answered prayers.

Parang simple lang ang kasal base sa nagkalat na ilang photos sa social media kahapon.

Sina Billy at Coleen ay tiyak mas medyo fabulous dahil sa mga pre nup photos pa lang nila na flooding sa social media, ang gaganda na.

Sa Shangri-La Boracay Resort & Spa naganap ang kasal nina Rachelle at Martin at sa Discovery Shores ginanap ang reception.

Isa si Mark Bautista sa unang nag-upload ng wedding photo ng bagong kasal.

Magkaka-batch sa Viva sina Sarah Geronimo, Mark at Rachelle kaya kasama ang dalawa sa naunang lumipad sa Boracay para sa naturang kasalan. Isa rin si Sarah sa tumayong secondary sponsors, kasama naman sa principal sponsors si Ms. Pinky Tobiano.

Female personality na mahilig lumandi sa may asawa, sobrang madasalin

Wow madasalin pala ang isang female personality na mahilig pumatol sa may-asawa.

May asawa na rin si female personality pero nauna niyang pinatulan ang isang not so young politician na member ng House of Representatives. Habang ang isa naman ay literal na pinatos niya ang katrabaho sa isang government agency.

Pero ang nakakaloka, madasalin pala si Ate Girl.

Or baka naman nagtitika siya ngayon sa pagpatol niya sa dalawang pulitiko na muntik masira ang pamilya dahil sa pagpasok niya sa eksena.

Active sa social media si Ate Girl kaya nalalaman ang kanyang activities.

May duda ang isang source na may tina-target na namang may asawa si Ate Girl na married din na nakakasama niya sa mga lakaran lately. Wish ng friend ng nasabing target na hindi nito madarang sa alindog ni female personality/ate girl na mahusay daw mang-akit pag may natitipuhan dahil bukod sa maganda nga ay matalino pa.

Show ni Jasmine minamadali na ng GMA

Si Jasmine Curtis Smith ang pinakabagong Kapuso sa telebisyon matapos niyang pumirma ng exclusive contract sa GMA Network noong Abril 17.

Kasama sa pagpirma ang GMA Chairman and Chief Executive Officer Felipe L. Gozon, Senior Vice President for Entertainment Content Group Lilybeth G. Rasonable, Senior Assistant Vice President for Alternative Productions Gigi Santiago-Lara, at Vidanes Artist Management head Betchay Vidanes.

Sa kanyang pagbabalik-telebisyon, ipinagkatiwala ni Jasmine ang lahat sa tamang panahon at masaya siyang tawaging tahanan ang GMA Network. “They have been very patient with us and very kind, so parang no-brainer na this is where I should be.  It’s surreal but I’m very happy for this opportunity. I’m very excited to see what’s around the corner,” dagdag ng bagong Kapuso star.

 Naging mainit naman ang pagtanggap ni Gozon kay Jasmine, “I was spell-bounded by her beauty at mahusay na addition siya sa ating mga artista. She is very talented, so I think we will immediately give her a project.”

 Samantala, idinetalye naman ni Rasonable ang mga paghahanda para sa mga proyekto ng bagong Kapuso star, “This is the perfect timing for everything and we hope that she will enjoy her time here in GMA. We’ve presented to her some concepts, and we will get that right project to showcase her acting pro wess. We’ll announce it very soon.” 

Pero wala pang binibigay na particular show ang GMA kung anong show siya makakasama.

Show comments