_ngayon
^
Nanay ng young actress, wagas kung manakit ng mga anak
Jolo

Nanay ng young actress, wagas kung manakit ng mga anak

SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - April 18, 2018 - 12:00am

Sobra palang manakit ang nanay ng isang young actress.

As in magaan daw ang kamay nito sa anak na young actress at sa kapatid nitong bunso.

Konting mali daw ng dalawang anak, nakakatikim na ng pananakit ang mga ito.

Kaya naman daw ang anak nitong young actress, may trauma na. Laging takot at umiiyak kahit nagta-trabaho.

Maging ang younger brother daw nito, kawawa sa kanilang nanay na sadista sa mga anak.

Minsan nga raw pagdating sa shooting ng young actress, wala itong tulog at namamaga ang mata dahil nga sa kaiiyak.

Eh ang bait pa naman daw ni young actress ayon sa isang source sa production ng mga pelikulang ginagawa ng young actress.

Kaya raw nang medyo nagkalakas ng loob ang actress, nagsarili na ito para kahit papaano ay matahimik ang buhay.

Pero hindi raw totally naging peaceful ang buhay nito dahil tuloy ang pangingialam ng ina. ‘Yun nga lang daw medyo nabawasan ang pananakit nito.

Kaya lang ang kawawa raw ay ang younger brother ng young actress na sigurado raw bugbog-sarado pag nagkakamali sa ina na konektado rin sa showbiz.

Jolo halos 60lbs ang ipinayat

Ang laki rin pala nang ipinayat ni Vice Gov. Jolo Revilla dahil sa kaka-diet.

Sa kanyang Instagram post yesterday, pinakita niya ang laki ng difference ng kanyang hitsura before and after. “On your left was me a year ago, weighing 217 lbs. I thought it was OK but it’s unhealthy. On your right is my recent photo, weighing 158lbs. I feel healthier, energized and inspired. Truly, my hard work, discipline and determination paid off!!! But wait, more 8lbs to loose, so let’s get it on! #pagPursigidoMayPagbabago,” ang caption ni Jolo.

Saka siguro mas naging inspired ang actor/politician na magpababa ng timbang dahil sa girlfriend niyang si Jodi Sta. Maria na ang sabi ay naghahanda na si Jolo na pakasalan.

Anyway, nag-taping na si Jolo kahapon para sa kanyang appearance sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Mala-PSG ang role niya sa nasabing super hit series ng ABS-CBN na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Aga nagpapa-muscle na rin

Isa pang kinakarir ang pagpapapayat ay si Aga Muhlach.

Mukhang nagbabad ang actor sa gym.

Sa kanyang IG story, pinapakita niyang nagbabad siya sa gym at nagpapa-muscle.

Dalawang pelikula ang babalikan ni Aga matapos ang success ng Seven Sundays na hanggang ngayon ay pinupuri ang kanyang acting.

Sa isang pelikula ay si Alice Dixson ang leading lady at sa isa naman ay si Bea Alonzo.

Ginastusang pelikula ni Coco nasa tv na agad

Maaksyong weekend ang aabangan dahil TV premiere na ng Metro Manila Film Festival box office hit ni primetime King Coco Martin na Ang Panday ay nasa KBO ng ABS-CBN TVplus, na open na to all networks.

Tungkol ito kay Flavio III (Coco), apo ng kauna-unahang Panday, na lumaking batang kalye sa Tondo. Matapos masangkot sa mga gang, susubukan niyang magbagong buhay pagkalaya mula sa kulungan. Hindi tatalikuran ni Flavio ang hamon ng pagtatanggol sa mundo at kanyang haha­napin ang Panday upang wakasan ang kasamaan.

 Hindi nag-set ng bud­get si Coco, na direktor at producer rin ng pelikula, para sa proyektong ito. Sinabi ni Coco sa interview noon na “gusto ko sulit ang tao pagnanood sila.”

Mapapanood din sa linggong ito ang The Love Affair, Woke Up Like This, Pwera Usog, at  Bromance: My Brother’s Romance.

Mag-register gamit ang prepaid o postpaid SIM. Sa prepaid, mag-load lang (Globe, TM, Smart, Sun, TNT, or ABS-CBNmobile SIM) ng P30; pindutin ang green / INFO button sa inyong TVplus box remote para makuha ang inyong box ID; i-text ang KBO30 APR7 <TVplus box ID> sa 2366.

AGA MUHLACH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with