Actress nagpapatulong sa ex na hiwalayan ang mister
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - April 15, 2018 - 12:00am

Atat na atat pala talaga ang isang aktres na hiwalayan ang kanyang mister.

Imagine, nagko-confess daw ang nasabing aktres sa kanyang ex na actor ng problema ng mister na ikinaiirita naman daw ng ex.

Sa sobrang inis nga raw ng ex ni actress ay hindi na nito pinapansin ang mga emote ni actress.

Pero sobrang hindi na raw talaga happy ang actress pero ang iniisip lang daw talaga ng actress sa kasalukuyan ay ang mga anak nila ng mister.

Baka lang hindi aware ang actress na nagkukuwento ang ex niya ha? At diumano’y pinakikita ito ng actor ha sa iba niyang friends.

Anyway, siguro dapat maging careful si actress at hanap siya ng bestfriend na puwedeng pagkum­pi­salan ng mga emote niya ng problema niya sa buhay.

Jinkee tinatago  ang portrait nila  ni ji Chang Wook

Oh naka-graduate na pala ang Korean actor na si Lee Min Ho sa kanyang Basic Military Training base sa nagkalat na photos ng graduation ceremony ng sikat na Korean actor.

Ngayon daw ay babalik si Lee bilang public service officer sa Seoul.

Almost two years ang training ng Koreans sa military.

Pero ang tiyak na hinihintay ni Ms. Jinkee Pacquiao na makatapos ng training ay ang kanyang idol na si Ji Chang Wook na kakapasok pa lang sa military camp.

Hindi raw kasi mai-display ni Ms. Jinkee ang photo nila together ni Ji Chang dahil nga bawal pa.

Naka-frame raw ang nasabing portrait nila ng idol na Korean actor na naka-lunch nila nang bumisita sila sa Korea last year na set up ng mister niyang si Sen. Manny Pacquiao.

Anyway, sumikat si Lee Min Ho sa mga Pinoy, una sa Boys Over Flowers na very throwback na at ang recent ay ang Legend of the Blue Sea na dinarayo ng mga Pinoy ang location ng taping. Kasama nga sa itinerary ng mga Pinoy tourists ang nasabing location para makapagpa-picture.

Actually, majority sa mga Pinoy na nagpupunta sa Seoul ay para lang magkaroon ng mga souvenir photos sa mga location sa mga napanood nilang Korean drama. Lalo ngayong bakasyon dagsa raw ang turistang Pinoy sa Seoul na lahat nang napapanood nila sa mga K drama pati mga pagkain ay sinusubukan nila.

Dito kaya sa atin kelan mangyayari na dadayuhin ng mga tourist, local or foreign ang mga location na napanood sa movies and TV aside of course sa mga beach natin na world class naman talaga.

MS. JINKEE PACQUIAO
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with