Para matigil na ang fans, Alden kay Aljur na lang ipa-partner!
Aljur at Alden
Para matigil na ang fans, Alden kay Aljur na lang ipa-partner!
PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) - April 11, 2018 - 12:00am

PIK: Natigil na ang ibang nagni-nega sa mga Kapuso stars na nag-show sa Amerika.

Nakita namang successful at puno ang Sony Center for the Performing Arts sa Toronto, Canada na pinagtanghalan nina Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado, Alden Ri­chards, Lovi Poe, Dennis Trillo, at B­etong Sumaya.

Kaya wala nang nagpi-PM sa amin ng kung anong kuwento na walang basehan.

Pagbalik ni Alden ay ilalatag na raw sa kanya kung ano ang soap na gagawin niya.

Pero may narinig din kaming balak na raw ng GMA Films na ituloy ang pelikulang Cain at Abel na pagsasamahan sana nila ni Aljur Abrenica.

May naisip na raw ang GMA execs kung sino ang ipapalit kay Aljur.

PAK: Kaha­pon ipinagdiwang ni Ryan Agon­cillo ang kanyang 39th birthday pero nag­han­da si Judy Ann Santos ng surprise dinner para sa kanyang asawa na ginanap sa paborito nilang restaurant na Mecha Uma sa BGC, Taguig.

Dinaluhan ito ng buong pamilya at ilang mga close friends kabilang na sina Suzi at Paolo Ab­rera, ang mag-asa­wang Bianca Gonzales at JC Intal, at si Pia Guanio kasama ang asa­wang si Steve Mago.

Iyun na bale ang selebrasyon nila dahil ang gusto ni Ryan, ang pamilya lang niya ang kasama sa kanyang mismong kaa­rawan.

Bahagi rin ng kanilang selebrasyon, nakatakda ang mag-asawang magbiyahe pa-Italy nga­yong linggo para doon na rin daw nila i-celebrate ang kanilang 9th wedding anniversary sa April 28 at ang birthday naman ni Judy Ann sa May 11.

Pagbalik dito ay may malaking project daw na gagawin si Ryan na kailangan na niyang pagupitan ang kanyang buhok.

BOOM: Gusto na lang ni Gerald Anderson na maging positibo na at ayaw na niyang paulit-ulit na pag-usapan ang tungkol sa unfollow-follow issue nila ni Bea Alonzo.

Sinagot na rin niya ang ilang namba-bash kay Bea sa ginawa nitong pag-unfollow kay Gerald at pati kay Pia Wurtzbach.

Deretsong pahayag ng Kapamilya actor; “Ang gusto ko lang po sabihin sa mga bashers, yung mga nagdya-judge kay Bea na wow talaga, siguraduhin nyo munang perfect kayo bago kayo magsabi ng masama tungkol sa ibang tao.

“Celebrity man o normal na tao, parang wala ka­yong karapatan at wala kayo sa sitwasyon.”

Ayaw na niyang idetalye pa ang kung ano namagitan sa kanila ni Bea. Basta ang mahalaga ay okay na raw sila at wala na ang kanegahan.

“Basta ang importante, okay po ang lahat at okay kami. Moving forward po tayong lahat,” saad pa ni Gerald.

ALJUR ABRENICA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with