Derrick

Derrick walang underwear sa shooting
RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - April 3, 2018 - 12:00am

Sa isang eksena sa Almost a Love Story ay naghubad ng kanyang t-shirt si Derrick Monasterio kaya nakita ni Barbie Forteza ang sexy nitong katawan with matching abs.

Pero more than sa pag­hanga sa katawan ni Derrick, mas humanga raw si Barbie sa pag-accept ng challenge ni Derrick sa eksenang gustong ipagawa sa kanila ni Direk Louie Ignacio.

Wala sa script ang eksenang maghuhubad siya at lulubog sa tubig eh winter that time sa Italy. Kaya namangha si Barbie na ginawa ni Derrick ang eksena.

Kwento naman ni Derrick, masakit sa balat ang sobrang lamig ng tubig. Eh maluwag pa naman daw ang pants niya. At wala rin siyang underwear dahil hindi ito pwedeng ipakita sa eksena ang brand ng underwear na kanyang suot.

Kaya tiniis na lang ni Derrick ang lamig ng tubig sa lake, na favorite summer destination ng mga Italyano.

Pinahanga rin ni Derrick ang kanilang director dahil he willingly did the scene kahit wala sa script.

Sabi nga ni Direk Louie, kung sa ibang artista raw iyon ipinagawa baka raw sinabi na ayaw niya o kaya magpaalam muna sa manager niya.

Allen at Eula big winner sa gawad tanglaw

Inanunsiyo na ng Gawad Tanglaw ang mga nagwagi sa film category ng kanilang awards.

Big winner sa Gawad Tanglaw ang pelikulang Bomba na isinulat at dinirek ni Ralston Jover.

Limang major awards ang nakamit ng Bomba, kabilang ang Best Director plum para kay Ralston, Best Actor para kay Allen Dizon, Best Screenplay para kay Ralston, Best Story (Ralston Jover at Dennis Evangelista), at Best Editing para kay Jess Navarro.

Tinanghal naman na Best Picture ang Cinemalaya entry na Respeto na pinagbidahan ng rapper na si Abra.

Best Actress naman si Eula Valdez para sa NeoManila na nagkamit din ng award for Best Cinematography.

Ang iba pang acting winners ay sina Shamaine Buencamino (Best Supporting Actress for Paki) at ang indie actor na si Jess Mendoza (Best Supporting Actor for Sa Gabing Nanahimik ang mga Kuliglig).

Ang ibang nagwagi ay sina Eric Cabahug (Best Screenplay para sa Deadma Walking) at Jay Oliver Durias (Best Music para sa Respeto).

Nagbigay din ng Presidential Jury Award (Dr. Jaime Gu­tierrez – Medal of Excellence) ang Gawad Tanglaw.

Ang Special Jury Award for Film ay nakamit ng Bomba, na prinodyus ng ATD Entertainment Productions, Heaven’s Best Entertainment at Crowning Glory Equipments.

Ginawaran ng Jury Award for Acting Excellence sina Bembol Roco at Ms. Dexter Doria.

Ang Gawad Tanglaw para sa Pelikula ng Dekada ay iginawad sa Ang Larawan.

Ang Gawad Tanglaw Para sa Sining at Siyensa ng Pagtuturo ng Komunikasyon (Pelikula) ay ibinigay naman kay Direk Jose Javier Reyes ng De La Salle University Manila at De La Salle – College of St. Benilde).

Ang awards night ng Gawad Tanglaw ay gagawin sa Mayo sa Cinematheque Manila.

Congratulations sa lahat ng mga nagwagi.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with