Make-up boutique ni Anne pinilahan! ; James naudlot ang pagiging chef
(Pilipino Star Ngayon) - March 26, 2018 - 12:00am

SEEN: Mayumi ang pagsayaw at sensual ang facial expression ni Darren Espanto nang magbigay ito kahapon sa ASAP ng sample ng latest dance craze.

SCENE: Ang Since I Found You ang replacement ng ABS-CBN sa The Good Son na magwawakas sa April 13. Tampok sa Since I Found You sina Piolo Pascual, Arci Muñoz, JC de Vera, Alessandra de Rossi, at Empoy Marquez.

SEEN: Si John Lapus ang workshop facilitator nina Cristine Reyes, Natalie Heart, Meg Imperial, Roxanne Barcelo, at Kylie Verzosa, ang lead stars ng Abay Babes ng Viva Films. Ngayon ang first shooting day ng Abay Babes at sa direksyon ito ni Don Cuaresma.

SCENE: Successful ang grand opening noong Sabado sa Trinoma ng blk boutique, ang cosmetic line ni Anne Curtis. Tuwang-tuwa si Anne dahil marami ang bumili ng blk cosmetics.

SEEN: Gaya ng “Nasaan si Aling Vicky?,” viral video na rin ang eksena ni Diana Zubiri sa Li­berated movie ng Seiko Films pero hindi ito puwedeng ipalabas sa TV dahil sa malulutong na pagmumura ng mga karakter.

SCENE: Nakaburol sa Loyola Memorial Chapels sa Commonwealth Avenue, Quezon City ang mga labi ni Mely Tagasa aka Miss Tapia ng Iskul Bukol. Sa March 28 ang cremation sa bangkay ni Tagasa.

SEEN: Maging chef ang pangarap noon ni James Reid dahil mahusay ito na magluto pero hindi natupad dahil nabigyan siya ng second chance sa showbiz.

SCENE: May budget ang manufacturer ng Cookie’s Peanut Butter dahil sa mga billboard sa South Luzon Express Way ng kanilang celebrity endorser na si Alden Richards. Tiniyak ng mga company owner na makikita ni Alden ang mga billboard nito tuwing umuuwi siya sa bahay niya sa Sta. Rosa Laguna at kapag lumuluwas ang aktor sa Metro Manila.

CRISTINE REYES MEG IMPERIAL NATALIE HEART ROXANNE BARCELO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with