Female personality walang kupas ang gimik, sariling anak ginagamit?!

Pinagpistahan at pinagtawanan sa isang malaking umpukan ang drama ng isang female personality tungkol sa kanyang sitwasyon ngayon. Naging popular ang sosing babaeng ito nang maugnay ang kanyang pangalan sa isang sikat na aktor.

May sarili siyang career, kilala siya sa alta sosyedad, pero in-enjoy din niya ang mga panahong pinagsaluhan nila ng guwapo at sikat na aktor.

Palagi kasi siyang laman ng mga pahayagan, pinag-uusapan siya sa mga talk shows, maraming naiinggit sa kanya nang maging magkarelasyon sila ng lalaking gusto ring maging boyfriend ng ibang artista.

Pag-alala ng isang source, “Siya ang nagbibihis nu’n kay sikat na aktor, stylist siya ng boyfriend niya, siya ang nagpasuot ng rubber shoes sa guy habang naka-coat and tie.

“Maraming pumansin kung bakit rubber shoes? ‘Yun daw kasi ang in na in sa New York, sabi ng girl, kaya kailangang ‘yun din ang gawing porma ng boyfriend niya. E, stylist nga siya, kaya tameme na lang ang mga pumapansin, may karapatan ang girl na gawin kung ano ang kanyang gusto,” sabi ng impormante.

Sa unang pagkakataon ay ipinakilala ng girl ang kanyang sikat na boyfriend sa pamilya niya. May selebrasyon sa kanilang mansiyon, maraming bisita, natural lang na proud na proud ang girl dahil maraming kinikilig sa karelasyon niya.

Kuwento naman ng isang source. “Pero napahiya siya sa family niya, sa mga guests nila, dahil nu’ng marami nang naiinom ang boyfriend niya, e, nagsuka nang nagsuka!

“Hindi niya alam ang gagawin, nagkakalat ang boyfriend niya, sa harapan mismo ng mga bisita nila, e, ganu’n ang nangyari! Natural, unang pagkikita ‘yun ng BF niya at ng family nila, pero kahihiyan agad ang inabot niya!” kuwento uli ng aming source.

Fast forward. Nagkahiwalay sila, meron nang bagong karelasyon ang sikat na aktor, siya naman ay meron nang anak ngayon. Maraming nakakaalam kung sino ang ama ng bata pero hindi na lang nakikisawsaw.

Kapag tinatanong ang sosyalerang babae kung sino ang tatay ng kanyang anak ay agad siyang nakadepensa, bigyan daw sana ng privacy ang walang malay niyang baby, sapat na raw na umamin siya sa kanyang pagiging ina.

Pahabol ng aming impormante, “Siya dapat ang unang nakaisip na bigyan ng privacy ang anak niya dahil walang kamuwang-muwang sa mundo! Anong kapribaduhan ang hinihingi niya ngayon, e, siya itong nagbuyangyang sa anak niya?

“Bakit, na-miss na ba niya ang in-enjoy niyang buhay nu’ng sila pa ng ex niyang actor? Gusto na naman niyang napag-uusapan siya, laman ng mga tabloids, ganu’n? Tantanan na nga niya ang kadramahan niya. Next gimmick, please?”  inis na kuwento ng aming impormante.

Ubos!

Charice pinag-iipunan ang pagpapalit ng ari!

Lalaking-lalaki na nga ang pakete ngayon ni Charice Pempengco bilang si Jake Zyrus. Burado na ang itsura ng batang su­mali nu’ng sa Little Big Star na nakadamit ng pambabae at mahaba ang buhok.

Naging special guest ang international performer sa concert ng 4TH Impact nu’ng Biyernes nang gabi, nang iluwa siya ng entablado ay talagang pormang lalaki na si Charice, itinapon na nga niya ang dati niyang anyo nu’ng nagsisimula pa lang siya.

Positibong umepekto kay Jake Zyrus ang mga iniinom at ini-inject na male hormones sa kanya, kumapal ang kanyang boses, plantsado na ang kanyang dibdib pero hindi namin napansin kung meron nang umuumbok sa kanyang harapan.

Hindi pa nagaganap ang kanyang pangarap na maging isandaang porsiyentong lalaki, pinag-iipunan pa siguro niya ang milyunang presyo ng proseso, kaya wala kaming napansing pagbabago na puwedeng sabihing kumpleto na ang kanyang pagkalalaki.

Nadulas ang isang miyembro ng 4TH Impact, “Nu’ng mga bata pa po kami, nakakasama namin si Charice sa mga amateur contest,” sabi nito. Ang mabilis na sagot ni Jake Zyrus, “May problema ba tayo?” saka sila sabay-sabay na nagtawanan. Ayaw na niyang tinatawag siya sa dati niyang pangalan.

Wala pa ring kupas ang talento ni Jake Zyrus, sa boses-lalaki niya ay abot na abot pa rin niya ang matataas na nota, nakakapanibago lang ang kanyang boses na bukod sa kumapal na ay naging husky pa.

Ang nagagawa nga naman ng siyensiya sa mga taong gustong baguhin ang kanilang itsura bilang pagbibigay ng kaligayahan sa kanilang sarili.

Show comments