Sofia ididirek ni Randy!

Sofia

Balik ang singer-actor na si Randy Santiago sa kanyang singing gigs at directing pagkatapos ng La Luna Sangre.  Ang pagdidirek ay minana nila pareho ng younger brother niyang si Rowell Santiago sa kanilang namayapang ama, ang veteran director na si Pablo Santiago.

Si Randy ay panganay sa anim na magkakapatid na kinabibilangan nina Rowell, Reily, Raymart, Resciel, at Rhea.  Ang kanilang ina ay ang yumaong veteran actress na si Cielito Legaspi.

Nakatakdang idirek ni Randy ang single launch ni Sofia Gonzales na pinamagatang Thinkin’ of U na si Sofia mismo ang nag-compose under Viva Records na nakatakdang ganapin sa Teatrino in Greenhills, San Juan sometime next month.

Si Sofia ay panganay sa dalawang anak ng mag-asawang Alfred Romual­dez at Cristina `Kring-Kring’ Gonzales-Romualdez.

Sharon may ibang gagawin

Hopeful ang post ni Sharon Cuneta nung Friday sa nakatakda niyang meeting sa  kanyang Star Cinema bosses, kasama ang kanyang manager at ang manager ng kanyang posibleng co-star.

Kung anuman ang magiging resulta ng meeting, dito malalaman kung anong project ang kanyang gagawin at kung sino ang kanyang makakatambal sa pelikula na nakatakdang magsimula ang shooting this May.

Dalawang projects ang nakatakdang iprisinta kay Sharon at magkaiba ang leading men niya sa parehong project. 

Pero ang sumunod na Facebook  post ni Sharon ay hindi malungkot ang mensahe. May pag-asa nang matuloy pero iba na ang leading man.

May mga nanghula na baka si Gabby Concepcion at meron din naman iba ang pangalang sinabi.

Siguro, for the meantime, huwag na lang muna umasa ang mga Sharon-Gabby fans na magkakaroon ng movie ang dalawa. Akala pa naman nila, matapos ang burger commercial, ang kasunod na project ng dalawa ay movie na.

Ang sabi ng kanyang mga loyal fans, tumambal na lang muna si Sharon with other actors tulad nina Ian Veneracion o kaya si Richard Gomez.

Show comments