^

PSN Showbiz

Iza natotomboy kay Angel!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Iza natotomboy kay Angel!

Iza at Angel

Ayaw sagutin ni Iza Calzado ang tanong ng mga reporter kung kasama siya sa pelikulang Darna ng Star Cine­ma na pagbibidahan ni Liza Soberano. Pero sa mga ngiti ng aktres, parang totoo ang tsikang kasama siya sa movie.

Ang kinumpirma ni Iza, may gagawin siyang movie sa IdeaFirst nina directors Jun Lana at Perci Intalan kung saan, first time niyang gaganap na lesbian. Pero hindi pa nito  masabi ang title ng gagawing movie dahil hindi pa final ang script.

Maganda ang role ni Iza sa movie na isang lesbian na may asawa at may nakarelasyong babae. Si Angel Aquino ang choice ni Iza na gumanap na kanyang lover sa nasabing pelikula.

Kinumpirma rin ni Iza ang pagtatayo nila nina Sunshine Dizon, Diana Zubiri, at Karylle ng movie production na tinawag nilang Sanggre Productions. Gagawa sila ng pelikula to be directed by Mark Reyes, ang director ng Encantadia.

Wala namang kinumpirmang date sa kasal nila ng fiancé na si Ben Wintle ang aktres. Ang sabi lang ni Iza ay sa ber month  ito magaganap.

Miguel nakaiskor na kay Bianca

Nagulat ang viewers ng Kambal, Karibal sa eksenang lips to lips nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali kahit smack lang ito. Comment ng viewers, puwede na pala sa kissing scene si Bianca na kamakailan lang nag-debut.

Siyempre, kinilig ang fans nina Bianca at Miguel na ang first screen kiss ay sa isa’t isa. Ang suwerte raw ni Miguel na unang nakahalik kay Bianca.

Ang gustong malaman ng BiGuel fans ngayon ay kung papayag magpahalik sa ibang aktor si Bianca halimbawang bigyan siya ng ibang kapareha ng GMA 7.

Samantala, very proud si Marvin Agustin kina Bianca, Kyline Alcantara, Pauline Mendoza, at Miguel sa dedikasyon nila sa trabaho.

JaDine nirerespeto ang Semana Santa

Nakakaaliw ang ilang bashers nina James Reid at Nadine Lustre. Tanong nila, bakit walang premiere night ang movie ng dalawa na Never Not Love You, pero ipalalabas na ito sa March 31. Wala na raw bang budget ang Viva Films?

Wala kayang calendar sa bahay nila ang bashers at hindi alam na next week ay Holy Week na? Alangan namang magpa-premiere night ang Viva Films ng Holy Week at ang Mahal Na Araw din ang rason kung bakit hindi puwedeng sa Holy Wednesday ang opening ng Never Not Love You.

Anyway, may international screening ang JaDine movie starting April 6 sa USA, after maipalabas dito. May screening din sa Japan at Middle East, kaya abang-abang lang ang fans.

Patricia ipa partner kay Alden

Nabuhay na naman ang tsismis na girlfriend ni Alden Richards si Patricia Tumulak dahil talent na ng GMA Ar­tist Center ang dalaga after umalis sa Eat Bulaga. May istorya agad ang fans na kaya pumirma sa GMAAC si Patricia ay dahil kay Alden. May mga naniniwala rin na isasama ng GMA 7 si Patricia sa Mitho, ang gagawing teleserye ni Alden at isa siya sa leading lady ng aktor.

Sinugod si Patricia sa socmed ng mga nagseselos na fans. Mabuti at dedma sa bashers si Patricia na looking forward sa projects na ibibigay sa kanya ng network.

In all fairness, mas marami ang positive comments kay Patricia. Wine-welcome siya sa Kapuso Network at excited na ang fans na mapanood siya sa shows ng GMA 7.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with