Bida ng isang serye pasimpleng pinapatay!

Parang totoong matsutsugi na ang karakter ng isa sa main cast sa takbo ng story ng isang teleserye. Baka nga this week na lang ang huling labas ng karakter dahil papatayin siya.

Curious kami kung paano tinanggap ng main cast ang desisyon ng production na alisin na ang karakter niya sa teleserye kahit matagal pa bago ito magtapos.

P3-K lang ang weekly allowance Bitoy diretso sa misis  ang lahat ng kinikita

May tatlong shows na uli sa GMA 7 si Michael V sa pagbabalik ng Lip Sync Battle na magpa-pilot sa April 1 ang Season 3. Pare-pareho pang taped shows ang LB, Pepito Manaloto, at Bubble Gang.  Natanong si Michael V ng press people kung paano niya inaayos ang schedule para hindi magka-conflict. “Magaling ang manager ko, inaayos niya lahat pati nga buhay ko at finances, inaayos niya,” sagot ni Michael V sabay sabing ang asawang si Carol ang kanyang manager.

Dagdag pa ni Michael V, 100 percent ng talent fee niya ay napupunta lahat sa misis niya. Thirty percent sa TF niya ang komisyon nito, at ang 70 percent ibinibigay din niya rito. “May P3,000 a week allowance lang ako sa kanya na napupunta naman sa P.A. ko lahat, kaya walang natitira sa akin. Nakakahiya minsan kahit parking fee wala ako,” kuwento ni Michael V na nasanay na walang dalang malaking pera.

Lauren minumura sa klase ng akting

Maayos ang sagot ni Lauren Young sa viewer na nang-body shaming sa kanya dahil mataba raw siyang tingnan sa pilot episode ng Contessa. Sabi kasi ng viewer, better kung magpapapayat si Lauren dahil hindi lang balakang niya ang malaki. Bumawi rin naman ang viewer at sinabing maganda at magaling siya.

In all fairness, minumura siya dahil sa mahusay niyang pagganap sa role ni Da­niella Imperial.

Juancho sinuspinde ng GMA!

Pagkatapos ng presscon ni Alden Richards para sa Cookie’s Peanut Butter, kumalat ang balitang sinuspinde ng GMA 7 si Juancho Trivino. ‘Yun daw ang rason kung bakit hindi ito nag-report sa Unang Hirit last Tuesday at wala rin sa taping ng Bubble Gang last Monday.

Sana lang, hindi maapektuhan si Juancho at ang career nito lalo’t kasama siya sa cast ng rom-com series na Inday Will Always Love You.

Show comments