^

PSN Showbiz

Jericho pabor sa kawalan ng interes ng anak sa showbiz

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Jericho pabor sa kawalan  ng interes ng anak sa showbiz

Magtatapos na sa high school ang anak ni Jericho Rosales na si Santino. Ayon sa aktor ay hindi na muna ipagpapatuloy ng anak ang pag-aartista at tatapusin muna ng binatilyo ang pag-aaral.

“Excited na ako, magka-college na siya. He’s graduating this year. Nagsa-soccer pa rin siya, football-soccer. He does modeling so mas ginusto niya ‘yung path ng mommy niya dati. His mom was an ex-model, so ito ‘yung gusto niyang mundo. He’s okay with commercials but right now which I’m very happy about and so proud of him because gusto niyang mag-focus sa studies niya,” nakangiting pahayag ni Jericho.

May kinalaman umano sa business ang kukuning kurso ni Santino pagtuntong ng kolehiyo. “Business, ayoko munang i-announce saan siya mag-aaral but business ‘yung karera niya,” pagbabahagi ni Jericho.

Masayang-masaya ang aktor dahil marunong magpahalaga ang anak sa edukasyon. “Gusto ko nakikita niya ‘yung value ng education. He’s bright kid and that’s what I love about him,”  dagdag pa ng aktor.

Makisig naudlot ang pagiging chef

Masayang-masaya si Makisig Morales dahil sa magagandang feedback na kanyang naririnig tungkol sa teleseryeng Bagani na pinagbibidahan nina Liza Soberano at Enrique Gil. Kabilang din sa proyekto si Makisig at ito rin ang nagsilbing pagbabalik ng dating child star sa telebisyon.

Matatandaang ilang taon nang naninirahan si Makisig sa Australia kasama ng kanyang buong pamilya. Malaki ang pasasalamat ng binata sa Kapamilya network sa pagtitiwalang muli sa kanyang kakayahan. “Sobra-sobrang gandang comeback. Kaya noong nabanggit nga nila sa akin na magkakaroon ng ganito, sabi ko, ‘Wow! Thank you.’ They really searched for me. Nasa Australia ako, at para lang pabalikin ako rito ay napaka-heartwarming. Sobrang thankful ako sa ABS-CBN, sa Star Creatives at binigyan na naman ako ng opportunity at blessing po,” kuwento ni Makisig.

Naghahanap na umano ng trabaho sa Australia ang singer-actor noong tinawagan siya ng pamunuan ng ABS-CBN para gawin ang nasabing proyekto. “Nag-aral po ako sa Australia, nakapagtapos ako. Nag-work ako ng part time. Nakapagtapos ako roon ng Culinary Arts, mag-a-apply na ako ng chef sa mga restaurant. Tapos nag-offer ang ABS-CBN, sabi ko, ‘Wait, backout muna ako.’ I need to do it (Bagani),” pagdedetalye niya.

Hindi umano nakararamdam ng pagkailang si Makisig sa kanyang mga kasamahan sa serye katulad ng tambalan ng LizQuen, Sofia Andres at Matteo Guidicelli.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with