Marian reynang-reyna pa rin sa facebook!

Marian

MANILA, Philippines — Nananatiling matatag ang Facebook (FB) sa kabila ng pagsusulputan ng iba’t ibang social media platforms. Bukod kasi sa ito ang nauna sa Twitter at Instagram, hindi pa ito nauubusan ng mga paandar para hindi sila layasan ng mga account holder.

Masasabing ang Facebook ang pinakapatok sa masa dahil mas maraming Pinoy ang Facebook users na siya ring dahilan kung bakit pinili ng ilang artista na magkaroon ng FB page ­– para mas ma-update nila ang kanilang fans sa mga kaganapan sa kanilang buhay.

Narito ang 32 most liked Facebook celebrities sa Pilipinas:

1. Marian Rivera 18,370,559 ­– Makikita sa FB page ni Marian ang lahat ng nangyayari sa kanyang career, mula sa endorsement shoot, fitness routines, at maging ang bon­ding moments nila nina Dingdong Dantes at baby Zia.

2. Angel Locsin 15,502,306 ­– News tungkol sa kanilang idolo ang madalas na pino-post ng mga admin sa Facebook page ni Angel. Nakakabilib ang nasabing page dahil real-time ang kanilang update sa aktres.

3. Vice Ganda 14,438,239 – Good vibes ang hatid ng FB page ni Vice dahil sa kanyang random jokes. Dito rin makikita ang snippets ng nakakatawa niyang eksena niya sa It’s Showtime at Gandang Gabi Vice. May bago ring pakulo si Vice, ang #PaShoutoutniMeme kung saan binibigyan niya ng message ang netizens na nagpapabati sa kanya.

4. Anne Curtis 14,332,340 – Tulad ng makikita sa kanyang Instagram account, daily updates ang nakalagay sa FB page ni Anne.

5. Sarah Geronimo 13,370,415 – Dahil wala namang official Instagram at Twitter account ang Popstar Royalty, dito pumupunta ang mga tagahanga ni Sarah para makibalita sa upcoming project ng kanilang idolo. 

6. Unofficial: Toni Gonzaga 13,127,797 – Cute pictures ng kanyang anak na si Seve at travel kasama ang pamilya ang laging makikita sa page ni Toni.

7. Yeng Constantino 12,377,777 – Vlogger (video blogger) na rin si Yeng sa kanyang Facebook videos na #AskYengYan na random topics ang kanyang tinatalakay.

8. Manny Pacquiao 11,740,718 – Family pictures at ang kanyang paghahanda sa nalalapit na boxing fight ang makikita sa FB page ni Sen. Manny.

9. Kim Chiu 11,487,365 – Selfies, endorsement shoot, bagong album at iba pang may kinalaman sa kanyang career ang pinagkakaabalahan ng admin ni Kim sa kanyang   page.

10. Cristine Reyes 9,863,316 – Behind-the-scenes ng kanyang bagong project na may title na Maria ang pinagkakaabalahan ngayon ni Cristine. Lagi ring makikita sa kanyang page ang mag-ama niya na sina Amarah at Ali Khatibi.

11. Jennylyn Mercado 9,534,708

12. Erich Gonzales 9,363,489

13. Team Kramer 8,628,137

14. MELASON (Melai & Jason Francisco) 7,367,910

15. Iya Villania 6,482,853

16. Sam Pinto 6,157,190

17. Alodia Gosiengfiao 6,106,336

18. Unofficial: Maja Salvador 5,531,683

19. Donnalyn Bartolome 4,817,249

20. Gloc-9 4,673,754

21. Enchong Dee 4,591,368

22. Bugoy Cariño 4,508,056

23. Maine Mendoza 4,164,851

24. Nikki Gil 4,088,155

25. Gabbi Garcia 4,011,128

26. Moymoy Palaboy 3,832,167

27. Unofficial: Vice Ganda 3,583,360

28. Andi Eigenmann 3,342,204

29. Kathryn Bernardo 3,202,529

30. Camille Prats 3,096,934

31. Heart Evangelista 3,014,400

32. Ivan Doschner 2,968,929

Show comments