^

PSN Showbiz

Ellen hindi napanindigan ang pananahimik

Debbie Castillo - Pilipino Star Ngayon
Ellen hindi napanindigan ang pananahimik

Ellen

Anne hindi nawalis sa Most Followed Pinoy Instagrammer!

MANILA, Philippines — Walang dudang ang Instagram (IG) ang social networking site na pinakaginagamit ng mga artista ngayon. Naiiba kasi ang format nito kung ikukumpara sa Facebook, Twitter, Snapchat at iba pa. Ito rin ang social media platform na masasabing talagang hands-on ang mga artista sa kani-kanilang account hindi tulad sa Facebook kung saan may mga administrator na siyang nangangasiwa ng kanilang page.

Pasado rin sa showbiz personalities ang IG dahil sa naiibang feature nito tulad ng pag-disabled ng comment section sa bawat litrato na kanilang ipo-post. Ang said feature ang pinakawais na paraan para makaiwas sila sa bashers na laganap na ngayon ang pamimintas sa mga artista. Mayroon na ring tinatawag na Instagram stories na nagtatagal lamang ng 24 hours.

At bilang selebrasyon sa 32nd anniversary ng inyong paboritong babasahin, narito ang top 32 Filipino celebrities na most followed sa IG as of presstime:

1. Anne Curtis - 8,600,408 ­­– Undefeated pa rin sa number one spot si Anne sa pinakamaraming followers sa IG. Dito madalas i-post ng actress/TV host ang kanyang workout routine, make up looks, outfit of the day (OOTD), pagpo-promote ng kanyang make up line at ilan sa kanyang adbokasiya. Kamakailan lang        ay nakakuha ang picture ni Anne ng higit na 1 million likes, ang pinakamaraming likes na nakuha ng Filipino account sa IG.

2. Hope Elizabeth - 6,973,664 ­– Samu’t sari ang makikita sa IG feed ni Liza kasama na ang pagiging sweet nila ng ka-loveteam at rumored boyfriend na si Enrique Gil.

3. Sandara Park - 6,339,854 ­– Hindi pa rin nalalaos ang Pinoy at heart na si Sandara sa rami ng kanyang IG followers. Kamakailan lang ay ipinost ni Sandara ang kanyang bagong photoshoot para sa isang clothing line dito sa Pilipinas.

4. Kathryn Bernardo - 6,044,116 ­– Minsan lang mag-update ng kanyang account si Kathryn kaya naman lahat ng kanyang litrato ay nakakakuha ng at least 100,000 likes dahil sa pagka-miss sa kanya ng fans.

5. Vice Ganda - 5,778,307 ­– Sa wakas, verified na ang official account na ito ni Vice na ang palaging laman ay ang kanyang unkabogable outfits. Syempre pa, hindi mababasa sa caption ng bawat photo ang nakakaaliw na humor ng komedyante.

6. Pia Wurtzbach - 5,754,485  ­– Tadtad ngayon ng promo ang IG account ng Miss Universe 2015 titlist ng kanilang unang movie together ni Gerald Anderson, ang My Perfect You. Bihira siya lately na mag-upload ng photo nila ng karelasyon si Marlon Stockinger.

7. Julia Barretto  - 4,735,815 ­– Tulad ni Kathryn, minsan lang din mag-update ng kanyang IG si Julia at ilan sa mga pino-post niya ay ang masasayang kaganapan sa buhay nila ng pamilya at ng kanyang boyfriend na si Joshua Garcia.

8. Marian Rivera Dantes - 4,693,098 – Nagliliyab ngayon ang Instagram feed ni Marian dahil sa kanyang sexy photos na nagpapakita ng kanyang toned abs. Regular ang pagpunta ni Marian sa gym.

9. Nadine Lustre - 4,658,233 ­– Kung paseksihan ang pag-uusapan, hindi pahuhuli si Nadine na hanggang ngayon ay pinag-uusapan ang ginawang pagpapakita ng cleavage at singit sa Zambales. Dito rin nakaabang ang fans ng update tungkol sa kanila ni James Reid.

10. Alex Gonzaga - 4,294,310 ­– Tinaob ni Alex ang ate niyang si Toni sa paramihan ng followers sa IG. Tuwang-tuwa kasi ang followers ni Alex sa ‘kalokohan’ ng kanilang idolo sa IG stories at pictures nito. Kamakailan lang ay namasyal si Alex sa Amerika kasama ang boyfriend na si Mikee Morada.

11. Toni Gonzaga - 4,176,409

12. Kim Chiu- 4,145,138

13. Solenn Heussaff - 4,042,766

14. Maja Salvador - 4,010,004

15. James Reid  - 3,966,774

16. Yeng Constantino  - 3,804,908

17. Angel Locsin  - 3,802,770

18. Yassi Pressman  - 3,771,850

19. Coleen Garcia - 3,668,995

20. Niana Guerrero  - 3,561,588

21. Sarah Lahbati - 3,560,939

22. Janella Salvador - 3,521,825

23. Vhong Navarro - 3,499,048

24. Bea Alonzo - 3,476,404

25. Kris Aquino  - 3,374,665

26. Angelica Panganiban - 3,339,536

27. Maria Elena Adarna - 3,174,480

28. Sue Dodd - 3,103,477 095

29. Sofia Andres - 3,017,352

30. Maine Mendoza- 2,966,346

31. Erich Gonzales - 2,954,596

32. Ella Cruz - 2,860,146

vuukle comment

PSN32ANNIV2018

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with