^

PSN Showbiz

Pagbibitiw ni Aiza wala raw koneksiyon sa pulitika! ; Miho napanindigan ang pagiging retokada

SEEN SCEN - Pilipino Star Ngayon
Pagbibitiw ni Aiza wala raw koneksiyon sa pulitika! ; Miho napanindigan  ang pagiging retokada

SEEN: Si Bibeth Orteza ang hinirang na bagong festival director ng ToFarm Festival. Siya ang magpapatuloy sa mga nasimulan ni Maryo J. delos Reyes, ang festival director ng ToFarm Festival na sumakabilang-buhay noong January 27, 2018.

SCENE: Ayaw gamitin ni Bibeth Orteza ang salita na replacement siya ni Maryo J. delos Reyes bilang festival director ng ToFarm dahil para sa kanya, irreplaceable ang namayapang direktor.

SEEN: Pararangalan ngayon ni Tourism Promotions Board Chief Operating Officer Cesar Montano sa pamamagitan ng Cine Turismo ang mga producer at filmmaker na gumawa ng mga pelikula na nakatulong sa tourism industry ng Pilipinas. Kabilang sa tatanggap ng mga parangal ang mga direktor at producer ng Siargao, I Found My Heart in Santa Fe, Kiko Boksingero, at Paglipay.

SEEN: Napanindigan ni Miho Nishida ang pagpaparetoke ng kanyang mukha dahil mas maganda siya ngayon kesa noong magkarelasyon pa sila ni Tommy Esguerra.

SCENE: Tumamlay ang showbiz career ni Tommy Esguerra mula nang mabuwag ang real-life loveteam nila ni Miho Nishida.

SEEN: Ginunita kahapon ng aktres na si Rochelle Barrameda at ng pamilya niya ang 11th death anniversary ng kanyang kapatid na si Ruby Rose na nawala at pinaslang noong March 14, 2007. Mailap pa rin ang hustisya para sa Barrameda family pero hindi sila sumusuko hanggang hindi nakukulong ang mga utak ng pagpatay kay Ruby Rose.

SCENE: Ang pakiusap ni Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chair Liza Diño na huwag bigyan ng kulay pulitika ang pagbibitiw bilang chairperson ng National Youth Commission ng kanyang asawa na si Aiza Seguerra.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with