Miss Tapia nagkaroon ng massive stroke!
(Pilipino Star Ngayon) - March 14, 2018 - 12:00am

Birthday ni Rico Yan hindi nalilimutan ng fans

Seen: Bukas , March 15, ang 30th birthday ni Cavite Vice Governor Jolo Revilla pero nagkaroon siya ng advanced birthday celebration noong March 12 sa piling ng  constituents sa Isla Bonita, Rosario, Cavite. Kasama ni Jolo sa birthday celebration ang kanyang girlfriend na si Jodi Sta. Maria.

Jodi at Jolo

Scene: Disabled ang comments sa Instagram account ni Mariel de Leon para hindi makapag-post ang kanyang haters at bashers na hindi nagustuhan ang opinyon niya tungkol sa paraan ng pagsagot ni Bb. Pilipinas 2018 candidate Catriona Gray.

Scene: Si Christian Gudegast ang direktor ng pelikulang Den of Thieves. Si Christian ang sumulat ng kuwento ng London Has Fallen, ang 2016 blockbuster movie na pinagbidahan ni Gerald Butler. Magbubukas ngayong araw sa mga sinehan ang Den of Thieves.

Scene: Si Robi Domingo ang host ng Road to the Crown, ang primer ng 55th edition ng Bb. Pilipinas aka Bb. Pilipinas Emerald. Sina Pia Wurtzbach at Richard Gutierrez ang mga emcee ng coronation night sa Smart Araneta Coliseum sa March 18.

Seen: Ginugunita ngayon, March 14, ng loyal fans ni Rico Yan ang 43rd birth anniversary ng aktor na pumanaw dahil sa bangungot  noong March 29, 2002.

Scene: Dasal ang hiling para kay Mely Tagasa dahil naka-confine siya sa ospital. Semi-comatose ang original Miss Tapia ng Iskul Bukol dahil nagkaroon siya ng massive stroke noong nakaraang linggo.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with