Baron bugbog-sarado dahil sa pera!

Baron

PIK : Aminado si Camille Prats na sobrang malapit sa puso niya itong bagong morning drama series niyang Ang Forever Ko’y Ikaw dahil malaki ang pagkakahawig sa kuwento ng buhay niya na kung saan maaga siyang nabiyuda, nagkaroon ng bagong pag-ibig at masaya na ngayon sa itinutu­ring din niyang forever ng buhay niya.

Nung nabasa nga raw niya ang script at nung nag-start na siyang mag-taping, nababanggit daw niya sa direktor nilang sina Jojo Nones at Tata Betita na ang dami raw eksenang nakaka-relate siya.

Sa March 12 na magsisimula ang Ang Forever Ko’y Ikaw bago mag-Eat Bulaga.

PAK: Gustong himatayin ang lovable na si lady producer nang nag-presyo ang batang direktor ng dalawang milyong piso para sa isang pelikulang ididirek niya.

Naloka sila dahil mas mahal pa pala siya sa mga award-winning at veteran directors.

Nanghinayang lang sila dahil bagay sana sa kanya ang tipo ng pelikulang gagawin niya, pero kahit daw nagpabawas ng presyo, super mahal pa rin kung ibabase sa kanyang status bilang director na wala pa naman masasabing maipagmamala­king project na kumita nang husto.

Sana medyo mabawas-bawasan naman daw nang kaunti ang kayabangan ng direktor na ito.

BOOM: Sabado, March 3 ng madaling araw nang nag-post si Baron Geisler sa kanyang Instagram na binugbog daw siya ng mga kapatid niya at in-laws.

Bugbog sarado ang mukha niyang nag-Facebook live bago siya nagpagamot o kahit nagpa-blotter sa pulis.

Narito ang kabuuan ng pahayag niya sa kanyang FB live pagkatapos siyang saktan diumano ng mga kapatid at in laws niya.

“My brother in law Mike, and my sisters and Marge Morales beat the hell out of me na walang kakuwenta-kuwenta because of money issues.

“Guys help me how to deal with this. But, I’m not afraid sa mukha ko. But, ‘di ba magkapatid, ‘di dapat nagbugbugan? Pinapasa-Diyos ko na lang lahat.

“Okay lang, tanggap ko to, tama ‘yung sinabi ng Nanay ko, ‘Baron magpakabait ka na, dahil pag namatay ako, kawawa ka sa mga kapatid mo.’

“True enough, dahil lang sa pera, eto po ‘yan. Maraming salamat sa mga kapatid ko. Saya! How can I complain? I do not know, kailangan bang pumunta sa barangay? Please help me guys. Alone eh. Full force, magkakapatid. I don’t know, I really don’t know, I’m sorry. This is too much.

“Saya ‘di ba? ‘Yan ang magkakapatid, ‘Yan ang tunay na pag-ibig. Mas mabuti pa yung ibang taong ano....wala talaga akong nagawang mali, sa totoo lang. Pero okay lang. I’m gonna sport this face.

“My brother in law Mike Morales, beat the hell out of my face. Mike Morales, thank you very much for this face, ang ganda! Grace Gail, my sister, Donnie Geisler, and Ana Maria Pineda Geisler, thank you very much.

“I guess money is more important, Hindi nyo nga ako tinutulungan eh. Hay naku! Kung nabubuhay lang ang nanay ko talaga, Okay lang, Mara­ming salamat po. God bless you guys, Saya!”

Sa FB live na iyun, nag-react ang isa sa itinuturong nanakit sa aktor na si Marge Morales.

Sabi ni Marge Morales; “You are an actor I get it. Pero you don’t have to put family affairs on social media para makakuha ng awa. Artista ka nga talaga, You twist stories. Is this what you want? Pagtawanan tayo ng tao?”

Sa pahina ring iyun ay ipinost nito ang notice mula sa insurance na kung saan may maki-claim sila mula sa namayapa nilang ina.

Ang caption nito; “Root of all evil and begi­nnings. Mom would want it this way cause she told me so. To the state it is. Rather than fighting or twisting stories for money.”

Show comments