^

PSN Showbiz

The Good Son nasira ang kuwento kay John

Pilipino Star Ngayon

Lungkot na lungkot ako sa mga kaganapan ngayon sa The Good Son na matatapos daw ng mas maaga dahil sa problema kay John Estrada na isa sa mga nagagalingan akong artista. Dapat magpaliwanag siya kung totoo ang mga bintang sa kanya na may kinalaman kay Mylene Dizon. He owes it to his public and supporters.

If true, ano na lang ‘yung humingi siya ng apo­logy sa mga naapektuhan/nasaktan niya. If not true naman, ikaluluwag ito ng pakiramdam ng mga sumusubaybay sa kanya.

Yeng sasabak sa second honeymoon!

Nakita lamang si Yeng Constantino na may kasamang ibang lalaki bukod sa kanyang asawang si Yan Asuncion ay nag-isip na agad ang marami na may problema sa kanyang tatlong taong marriage. Pero sa interview sa kanya ni Boy Abunda sa Tonight With Boy Abunda, sinabi ng sikat na singer/composer na isang aktor ang kasama niya sa Korea. Ito si TJ Trinidad at naroon sila para sa shoot ng indie film nilang The Eternity Between Seconds intended for Sine Filipino.

Welcome kay Yeng ang paggawa ng movie kahit pa paglalayuin sila nito ng kanyang asawa. Pareho naman silang introvert ni Yan at alam nilang they need space from each other from time to time, pero hindi nangangahulugang may problema na sila. Katunayan naghahanda na and dalawa para sa kanilang second honeymoon at makabuo na ng pamilya.

Balak nilang pumunta sa Croatia na pinaniniwalaan nilang isang romantikong lugar.

Bago ito ay pinaghahandaan na ni Yeng ang launching ng album niyang Synesthesia sa SM Skydome, March 10, 2018. 

Charlene at kambal nila ni Aga malakas ang hatak

Napaka-espesyal talaga ni Aga Muhlach sa Jollibee para ma-afford ang napakamahal na TF ng nagbabalik na aktor. Pero sigurado naman na mabilis itong mababawi ng higanteng korporas­yon dahil ang daming naging interesado na makitang muli ang matagal nang hindi nag-aartistang si Charlene Gonzales at ang kambal na sina Andres at Atasha na mga binata’t dalaga na. 

Ang lakas ng impact na ibinigay nilang apat.

Paolo kinaawaan, pinagkaisahan ng Dabarkads?!

Kahit ano’ng paliwanag marahil ang ibigay ni Paolo Bal­lesteros sa hindi pagdalo ng mga Dabarkads niya sa Eat Bulaga sa premiere showing ng pelikula niyang Amnesia Love ay hindi makukuntento ang sinumang makarinig. Hindi man siya magdamdam dahil may rason ang absence nila dahil inumaga sa taping ng Lenten presentation ng EB at kailangan pang naroon  sila sa show kinabukasan, still marami ang nagtatampo para sa kanya.

May puyat ba at pagod ang maaaring maghiwalay sa mga  magkakabarkada? Sana kahit isa man lang, dalawa o tatlo ay may nakita sa kanila. Tinawag pa nila ang mga sarili nilang Dabarkads.

Carlo kinasasabikan  pa rin sa TV

Anumang role ang gagampanan ni Carlo Aquino sa episode sa Sabado ng Maalaala Mo Kaya ay hindi na mahalaga sa mga manonood. Sapat nang napapanood nila ang kahusayan ni Carlo sa pagganap ng role ng isang lalaki na unti-unti nang pinapanawan ng paningin at abangan ang buod ng kuwento ng letter sender na isinulat nina Mae Rose Balanay at Jell Badayos sa direksyon ni Mae Cruz Alviar.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with