^

PSN Showbiz

John suspek sa pagkamatay ni Albert

Pilipino Star Ngayon
John suspek sa pagkamatay ni Albert

John

MANILA, Philippines — Panibagong palaisipan ang gugulo sa bawat gabi ng mga manonood ngayong si Anthony (John Estrada) naman ang pagbibintangan sa pagkamatay ni Victor (Albert Martinez) sa Kapamilya primetime serye na The Good Son.

Nakatakdang mabago ang takbo ng imbestigas­yon ngayong makikitaan ng motibo si Anthony upang patayin ang sarili niyang kapatid matapos ila­had sa pulis ang naging pagtatalo nila ng kanyang kuya noong araw ng kamatayan nito.

Ngunit may mas malalim pang motibo si Anthony sa pagpatay kay Victor dahil simula pagkabata, minamasama na nito ang paggabay sa kanya ng kapatid at lubos ang naging inggit dito dahil sa matagumpay niyang buhay.

Dahil nga sa pag-igting ng mga ebidensya laban sa kanya, biglang mawawala nang parang bula si Anthony na lalong magdadagdag ng duda sa kanyang kaugnayan sa pagkamatay ng kanyang kuya.

Upang maabswelto naman ang anak mula sa kaso, gagamitin itong pagkakataon ni Olivia (Eula Valdez) upang mapawalang-sala si Calvin (Nash Aguas) at ibaling sa tiyo nito ang imbestigasyon.

Si Anthony nga kaya ang tunay na pumatay kay Victor?

Huwag palampasin ang kakaibang kaso ng pagmamahal para sa pamilya sa The Good Son, gabi-gabi pagkatapos ng La Luna Sangre sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with