^

PSN Showbiz

Lovi at Tom pinagtawanan ang tsugian!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Lovi at Tom pinagtawanan ang tsugian!

Showing sa 170 cinemas at P4.2M ang first day gross ng The Significant Other sa direksyon ni Joel Lamangan at produced ng Cineko Productions.

Masaya si Tom Rodriguez sa box-office gross at feedback sa movie at nag-post ito ng “So happy that this film is finally out!!! This whole production has been nothing short of a blast and can’t help but feel blessed to have worked with such an amazing director, cast, crew. The premiere night was definitely an experience” at sinundan pa ng “Thank you sa lahat ng mga sumuporta sa unang araw ng #thesignificantother sana po ay nagustuhan nyo at nadala kayo sa bawat kumpas ng metro ng napakagandang kwentong ito. Sa mga hindi pa po nagkakaroon ng chance na manood, showing pa rin kami sa 170 cine­mas nationwide.”

Naikuwento ni Lovi Poe na nakausap namin sa taping ng The One That Got Away na magkatabi sila ni Tom sa premiere night at nagtawanan at nagbiruan sila sa bed scene nila.

Samantalang ‘yung BF niyang si Chris Johnson, dumadausdos sa upu­an at nawawala ang ulo, pero pumapa­lak­pak sa confrontation scenes.

Gabby very millennial ang sagot kay Sharon

Walang comment at hashtags lang na #goodvibes #forgiveness #goodolddays #holdinghands ang sagot ni Gabby Concepcion sa ipinost na photos nila ni Sharon Cuneta sa socmed.

May mga nag-akala pang meeting na nina Sharon at Gabby para sa gagawing pelikula sa Star Cinema ang kanilang pagkikita, pero nilinaw ni Sharon na walang taga-Star Cinema o taga-TV network ang kasama nila. Ang nakita naming kasama ng dalawa sa lunch sa Manila House ay ang mag-asawang Ricco at Tina Ocampo.

Samantala, nagpasalamat na si Gabby sa mga sumubaybay sa Ika-6 Na Utos na hanggang second week na lang yata ng March ang airing. Ipinost nito ang rating na mataas pa rin at mas tataas pa tiyak sa finale week.

Dahil malapit na ngang magtapos ang Ika-6 Na Utos,  umaasa ang fans nina Sharon at Gabby na magagawa na ng aktor ang matagal na nilang request na reunion movie nila ni Megastar.

Sakaling magkakorona, Vickie handang hintayin ni Jason para pakasalan

“Baba” pala ang terms of endearment nina Jason Abalos at Vickie Rushton.

“Thank you babaaa” post ng dalaga bilang pasasalamat sa suporta ng aktor na pag-post ng picture niya at humi­ngi ng suporta sa kanyang followers sa Instagram (IG).

Wala si Jason sa press presentation ng Bb. Pilipinas candidates dahil nagti-taping siya ng The One That Got Away, pero tiniyak nitong present siya sa coronation night sa March 18.

Sabi ni Jason, halimbawang nanalo si Vickie sa any title sa Bb. Pilipinas, one year ‘yun na hindi sila puwedeng ikasal. Kapag nanalo pa si Vickie sa international competition, another one year na hindi sila puwedeng pakasal and he is willing to wait kung kailan pareho na silang ready to get married.

Ruru malaki ang pasasalamat kay Siri

Ang laki ng pasasalamat ni Ruru Madrid sa Sherlock, Jr., dahil naalis ang takot niya sa aso. Sa teleserye kasi, madalas ang Golden Retrie­ver na si Siri ang kaeksena niya. Malaking tulong din ang pet dog ng sister niya na ka­sama nila sa bahay para hindi na matakot sa mga aso.

Patunay na hindi na takot sa aso si Ruru ang pictorial niya sa Youngstar page ng Philippine Star dahil puro aso ang kasama at may me­ron pa itong karga-karga sa ibang photos.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with