^

PSN Showbiz

Joey ayaw tantanan sa joke sa prostitute!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Joey ayaw tantanan sa joke sa prostitute!

Joey

Kontrobersyal na naman si Papa Joey de Leon dahil sa biro niya na hindi nagustuhan ng kanyang mga kritiko sa episode ng Eat Bulaga noong Martes.

Hindi ko napanood ang pinag-uusapan na episode pero may nakapagsabi sa akin na nagbiro si Papa Joey para gumaan ang sitwasyon dahil shocking nga ang sinabi ng winner sa Juan for All, All for Juan segment na pagbebenta ng katawan ang dating ikinabubuhay niya pero nagbago na siya.

Hinuhusgahan si Papa Joey at pinupukol ng masasakit na salita. Kahit pa ano ang sabihin ng mga kritiko niya, hindi magbabago ang pagtingin ko kay Papa Joey na isang mabuting tao na maraming beses ko nang napatunayan dahil matagal kami na nagkasama sa Startalk.

Maaaring offensive sa ibang mga tao ang joke ni Papa Joey pero ako mismo ang makapagpapatunay na walang mean bone sa kanyang katawan at gusto lang niya na magpasaya ng mga tao.

Meghan Markle hinuhulaang magiging next Princess Diana

Nakakatuwa naman si Meghan Markle, ang fiancée ni Prince Harry na biglang minahal ng mga Pinoy dahil nagsalita siya ng “Salamat po” nang pasalamatan niya ang fan na nagpakilala na mula sa Pilipinas sa isang event na pinuntahan nila.

May mga nega na nagsabi na hindi big deal ang pagsasalita ni Meghan ng salamat po dahil wala itong ipinagkaiba sa mga Pinoy na alam ang meaning ng Arigato at ng ibang lengguwahe ng pasasalamat.

Nabasa ko ang report na may kaibigan na Pinay si Meghan kaya alam nito ang meaning ng salamat po.

Kahit ano pa ang sabihin ng mga nega, malaking bagay na marunong, kahit katiting na Tagalog, ang very charismatic future wife ni Prince Harry.

Puwedeng simpleng thank you lang ang sabihin ni Meghan sa Pinay fan pero talagang nag-effort siya na magsalita ng salamat po at malaking bagay ‘yon para sa mga katulad natin na sumusubaybay sa mala-fairy tale na buhay ng mga royalty.

Nabasa ko rin na hindi lang salamat po ang alam ni Meghan dahil marunong din siya na magluto ng adobo bilang lumaki siya sa Los Angeles na pinamumugaran ng maraming Pinoy.

Isinulat ni Meghan sa kanyang defunct blog na enjoy siya sa pagluluto tuwing Linggo ng mga pagkain tulad ng Filipino food na chicken adobo.

Dahil sa natural na karisma ni Meghan, may mga nagsasabi na siya ang next Princess Diana na minahal din ng mga tao noong nabubuhay pa.

I’m sure, maraming Pinoy ang mag-aabang sa grand wedding nina Meghan at Prince Harry sa May 18 dahil mga tagahanga na sila ng future wife na mabibigyan ng title na Duchess of Sussex kapag ikinasal na sila ng fiancée niya.

Significant Other pinag-uusapan sa ganda

Congrats kay Papa Enrico Roque, isa sa mga producer ng CineKo Productions dahil bongga ang reviews sa The Significant Other na nagbukas sa mga sinehan noong February 21.

Bukod sa positive reviews, critically-acclaimed ang kuwento ng pelikula na mula sa direksyon ni Joel Lamangan at ang word of mouth na maganda ang The Significant Other ang reason kaya marami ang gustong manood ng pelikula nina Tom Rodriguez, Erich Gonzales, at Lovi Poe.

Wish ko talaga na maging blockbuster ang The Significant Other para lalong ganahan sa pagpo-produce ng pelikula si Papa Enrico at ang kanyang mga business partner.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with