Crush na crush noon pa, Herbert namakyaw ng ticket sa concert ni Joanna Ampil! ; Janella pinagbigyan ni na Liza at Julia!
PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) - February 14, 2018 - 12:00am

PIK:  Matindi ang support ng ElNella fans sa premiere night ng pelikulang My Fairy Tail Love Story nina Elmo Magalona at Janella Salvador na ginanap sa Cinema 7 ng SM Megamall kamakalawa ng gabi. Hindi lang fans ang todo suporta kung hindi pati ang mga kaibigan nilang Kapamilya stars na sina Liza Soberano, Julia Barretto, at Darren Espanto ay dumalo at nanood din.

Si Janella ang pinakamasaya dahil siya pala ang nag-invite sa mga kaibigan at pinagbigyan naman sila ni Elmo. “Fortunately, wala silang sche­dule today so naka-attend sila. I’m so thankful talaga na nakarating sila,” pakli ni Janella.

Sayang at wala roon ang Mommy ni Janella, na umiiwas pa ring pag-usapan siya. Pero sabi ng Kapamilya young actress, hoping daw siyang mapanood ito ng Mommy niya.

Ngayong araw na ang showing ng My Fairy Tail Love Story na idinirek ni Perci Intalan.

Nangako raw ang fans club nina Elmo at Janella na magpapa-block screening pa sila. So far, mahigit 40 na raw ang naka-schedule na block screening bilang suporta ng fans club nina Elmo at Janella.

PAK: Marami ang nakapansin sa laki ng ipinayat ni Yasmien Kurdi, pero hindi naman siya nagpapayat kung hidi nagkasakit pala. Tamang-tama ang ginagawa niyang afternoon drama na Hindi Ko Kayang Iwan Ka dahil ginagampanan niya ang role ng isang babaeng HIV positive. Pero kailangan pa raw niyang magpapayat, kaya magda-diet pa raw siya nang bonggang-bongga.

Kahit abala naman siya ngayon sa taping ng bagong afternoon drama, kailangan pa rin ni Yasmien na magpagamot dahil sa kanyang asthma. Ngayon lang daw niya nalaman na asthmatic pala siya kaya kailangan pa niyang dumaan sa ilang test.

“Hindi ko alam na may asthma pala ako. Ngayon ko lang nalaman, so hindi ko pala naku-control the whole time.

“Ngayon sabi sa akin ng pulmo (doctor) ko, kailangan ma-control ko na siya. Kailangan may maintenance pala dapat ako. Hindi ako nakahinga. Mahirap pala.

“Hindi ko nga alam kung saan ako allergic. Next week gagawin ko ‘yung test,” kuwento ni Yasmien sa presscon ng nabanggit na serye na magsisimula na sa February 26.

Sabi ni Yasmien, pagkatapos daw ng soap niya ay gusto sana niyang mabuntis uli para magkaroon na ng kapatid ang napakabibo niyang anak na si Ayesha.

“Siguro after nitong soap na to. Tatapusin ko muna to, tingnan ko kung makakabuo kami,” pakli ni Yasmien,

Kaya diyeta-diyeta rin muna sila ng dyowa niyang si Rey sa kama habang may soap pa siya.

BOOM: Mamayang gabi na ang Valentine concert ng Metro Manila Film Festival (MMFF) Best Actress na si Joanna Ampil na pi­na­ma­gatang Love Wins na gaganapin sa BGC Arts Center, Globe Auditorium. Ito na rin ang selebrasyon ni Joanna ng kanyang 25th anniversary sa industry, at espesyal ito sa kanya dahil mga kababayan niya ang kanyang makakasama.

Dito nga niya special guest sina Mark Bautista, Arman Ferrer, at Joaquin Valdes.

Naging close sina Joanna at Mark at isa rin pala si Joanna sa pinagtapatan ni Mark ng tunay niyang pagkatao na hindi naman naging isyu sa magaling na theater actress.

Sabi pa ni Joanna, “He came out with this book, and I completely admire the guy. He’s brave enough to expose himself in that way.

Noong lumabas na nga itong libro at mainit na pinag-usapan, tumawag daw si Mark sa kanya na nag-aalala at baka maapektuhan ang Love Wins concert niya.

Pero meron palang bumili ng maraming tickets at balak panoorin ang Love Wins concert ni Joanna, si Mayor Herbert Bautista na aminadong matagal na palang crush si Joanna.

“I’m flattered. Really really flattered,” mabilis na sagot ni Joanna nang hiningan namin ng reaksyon kaugnay nito.

“You know nag-support din si Mayor Herbert sa Larawan. He’s our sponsor, and he’s my Facebook buddy,” sabi pa ni Joanna na nagpasalamat kay Mayor Herbert sa suportang ibinigay sa kanya.

Pero malabong maka-join si Kris Aquino sa panonood dahil kasalukuyan itong nasa Amerika kasama ang mga anak para doon mag-birthday.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with