^

PSN Showbiz

Triangle nina Vilma, Boyet at Nora, mapapanood na sa TV!

Pilipino Star Ngayon
Triangle nina Vilma, Boyet at Nora, mapapanood na sa TV!

MANILA, Philippines — Magbabalik ngayong Pebrero ang iconic trio ng star for all seasons na si Vilma Santos, drama king na si Christopher de Leon, at superstar na si Nora Aunor sa pagpapalabas ng digitally restored and remastered classic 70s film na Ikaw Ay Akin ngayong Linggo (February 4) sa Sunday’s Best.

Ipinalabas noong 1978, ang pelikulang idinerehe ni Ishmael Bernal ay isa sa mga pinag-usapang pelikula noon dahil ito ang kauna-unahang beses na nagsama ang tatlo sa big screen. Ito rin ang nagpauso sa tinatawag na “mata-mata” school of acting dahil sa isang hindi malilimutang eksena nina Nora at Vilma.

Umiikot at kwento ng Ikaw Ay Akin sa isang lalaking si Rex (Christopher) na mahuhulog ang damdamin sa isang dalubhasa sa pagtatanim na si Teresita (Nora) at sa designer na si Sandra (Vilma Santos).

Isa lamang ang Ikaw ay Akin sa mga titulong nirestore ng ABS-CBN Film Restoration Group. Taong 2011 nang simulan ng ABS-CBN ang pagre-restore ng classic films para mapanatiling buhay ang cinematic history ng mga Pilipino. Katuwang ang Central Digital Lab, ito ang pinakaunang restoration na ginawa mismo sa bansa.

Mahigit 120 titulo na ang nairestore ng ABS-CBN Film Restoration kung saan ilan sa mga ito ay naipalabas na sa international film fests, naipalabas sa bansa via red carpet premieres, naere sa free-to-air at cable television, natunghayan sa pay-per-view at video-on-demand, nabili sa DVD at na-download maging sa iTunes.

Huwag palalampasin ang Ikaw ay Akin sa Sunday’s Best ngayong Linggo (Feb 4), pagkatapos ng Gandang Gabi Vice sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD sa SkyCable ch 167.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with