Isa pang Kapuso ililihim ang kasal!

Ryzza Mae

Ruru ayaw seryosohin si Ryzza Mae!

PIK: Ang laki ng iginuwapo ni Ruru Madrid nang makatsikahan namin sa mediacon ng bagong programa niya sa GMA 7 na Sherlock, Jr. Kaya bahagya naming tinukso kay Ryzza Mae Dizon na nabalitaan naming crush na crush siya ng bagets.

Natawa si Ruru sa tukso namin dahil napakabata naman daw ni Ryzza Mae para itukso sa kanya. Ipinaliwanag naman na­ming kinikilig lang ang bagets sa kanya.

“Si Ryzza po, baby ko ‘yun talaga. Ala­gang-alaga sa akin.

“‘Pag nakikita ko parang kapatid ko na ‘yan na kakargahin ko, iki-kiss ko,” pakli ni Ruru.

Madalas daw silang magka-text at katunayan, meron pa raw silang group chat dati kasama si Gabbi Garcia.

Dagdag niyang pahayag, “Nagkaka-text kami lagi nun eh. Minsan po naglalabas siya sa akin ng sama ng loob eh. Parang magkapatid lang po talaga kami ni Ryzza.

“Inaasar ko rin kasi lagi siya eh, pero hindi niya ipinapakita. ‘Pag nagkikita po kami, parang gusto po niyang magtago sa palda ng Nanay niya eh.

“Sobrang mahal na mahal ko po ‘yung batang ‘yun.”

Tiyak daw na matataypan ni Ryzza Mae ang Sherlock, Jr, dahil bidang-bida rin dito ang cute na asong si Serena na laging kasa-kasama ni Ruru.

Kakaibang tandem nga itong mapapanood sa bagong fun investigative program ng GMA 7 na magsisimula na sa Lunes, January 29 pagkatapos ng 24 Oras.

PAK: True bang hanggang nga­yong linggo na lang ang taping ng Lola’s Beautiful Show?

Matagal nang usap-usapang ma­lapit na itong matsugi, kaya sigu­ro napagdesisyunan nang tapusin ito.

Wala pa kaming naririnig kung ano na ang confirmed na progra­mang ipapalit.

Ang sabi raw, isang programang produced ng GMA News and Public Affairs ang ipapalit, pero baka sa TAPE o APT pa rin daw ang timeslot na ito.

Sana ibalik na lang ang grupo ng Trops na tinatampukan ng mga That’s My Bae ng Eat Bulaga.

BOOM: Kung isinikreto ng isang Kapuso actor ang kanyang kasal sa kanyang non-showbiz girlfriend kamakalawa ng hapon, sina Billy Crawford at Coleen Garcia naman ay unti-unti nang ibinibigay ang ilang detalye ng kanilang kasal.

Hindi pa sinasabi kung kailan at kung saan gagawin, pero ibinahagi na ni Coleen sa ilang reporters na beach wedding daw ito.

Hindi sa Maynila gagawin kung hindi sa ibang lugar, baka sa ibang bansa o sa isa sa mga beach resort sa isang lalawigan malapit sa Maynila.

Chill chill lang daw muna sa ngayon si Coleen, dahil ipinaubaya na raw niya ang paghahanda sa kanilang coordinator at supplier.

Ani Coleen, “Honestly, I’m excited to see how it’s gonna turn out, because if I give my attention to eve­ry single detail, I don’t know what to expect. I don’t really wanna know what exactly what to expect.

“It’s an intimate celebration with close friends and family. It’s gonna be on the beach.”

Samantala, kasabay ng kasal ng Kapuso actor nung kamakalawa ng hapon, nagkaroon din pala ng prenup pictorial ang isa ring Kapuso actress na ga­ling sa isang talent-reality search.

Next month na raw ang kasal sa kanyang non-showbiz boyfriend.

Ayaw din daw ng Kapuso actress na ibalita pa ito, at mas gusto niyang tahimik na lang at very intimate din ang kanilang selebrasyon.

Show comments