Jessy handang makipagtambal uli kay JM

Inaabangan na ang pagbabalik ngayong taon ni Jessy Mendiola sa trabaho. Matatandaang Mayo noong isang taon pa nawala ang aktres sa programang Banana Sundae. Mula noon ay hindi pa muling nakagagawa ng pelikula at proyekto sa telebisyon si Jessy.

Ilang taon na ring namahinga sa show business ang dating kasintahan ng aktres na si JM de Guzman. May bulung-bulungan na posibleng magbalik-trabaho na rin ang aktor ngayong taon. Masayang-masaya naman daw si Jessy para sa plano ng dating nobyo.

“I’m really happy for him. Lahat naman ng tao may pag-asang magbago. So kung saan siya masaya, masaya ako para sa kanya,” makahulugang pahayag ni Jessy.

Kung mabibigyan ng pagkakataong muling magkasama sa isang proyekto sina Jessy ay JM ay wala raw itong magiging problema sa dalaga. “Basta sa akin, as long as he is okay, he is happy, he has fully recovered and he is ready to work, good luck sa kanya. I am very happy for him too,” nakangiting pahayag ni Jessy.

Joel Cruz ayaw tantanan ang panganganak ng kambal!

Muling madadagdagan ang mga anak ni Joel Cruz dahil sa proseso ng invitro fertilization. Sa kasalukuyan ay may tatlong kambal na anak na ang celebrity businessman at excited na sa pagdating ng kanyang pinakabagong supling.

“June 28, 2018, it’s a single pregnancy and ang wish ko sana twins din kasi triple twins na eh. Sad to say hindi naging twins and hindi ko pa alam kung ano ang kanyang gender. Hopefully babae kasi dalawa lang ‘yung babae ko,” nakangiting bungad ni Joel.

Hanggang maaari ay pantay-pantay lamang daw ang turing ng businessman sa mga kambal na anak na sina Prince Sean at Princess Syne, Prince Harry at Prince Harvey at Prince Charles at Princess Charlotte. “Minsan kasi may lalabas na paborito ka. Kasi parang minsan mabait ito, ito ganito naman. Para sa akin kailangan ko ma-establish na fair lang talaga dapat ako sa lahat and na-realize ko na iba-iba lang talaga ang personality ng bawat anak ko. Pantay-pantay lang dapat sila. Wala dapat favorite and I believe naman na gagawin ko ito hanggang sa tumanda na sila. Tumanda ako ng wala akong paborito sa kanila,” paliwanag ng Lord of Scents.

Pampitong anak na ni Joel ang darating sa June at nakaplanong magkaroon muli ng isa pang kambal bago magtapos ang taon. “Si Olesia kasi, ‘yung isang surrogate, kumbaga parang fertile na siya. This is the right time na puwede na siyang mag-carry. Siya ‘yung surrogate, siya ‘yung magdadala for nine months. Naka-prepare na rin ‘yung fertilized embryo from me and ‘yung sa mother talaga nila, si Lilia kaya this December magkakaroon pa ulit ng additional and hopefully that’s the last na,” pagbabahagi pa ni Joel.

Show comments