Alden nakita ang nanay after 20 years!
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - January 3, 2018 - 12:00am

Nabigo ang Dabarkads na paiyakin nang husto si Alden Richards sa 26th birthday celebration nito kahapon sa Eat Bulaga.

Nag-crack lang ang boses ni Alden nang banggitin ng Dabarkads ang kanyang pumanaw na ina pero napigilan niya ang pagpatak ng luha.

Sinabi ni Alden na walang araw na hindi niya naiisip ang nanay niya na unang nanga­rap na maging artista siya.

Nalulungkot lang si Alden dahil hindi naabutan ng kanyang ina ang pagsikat niya pero naniniwala siya na watching over him si madir.

Ikinuwento ni Alden na niregaluhan siya ng pinsan niya ng video na kuha, twenty years ago, noong nabubuhay pa ang kanyang ina.

Ito ‘yung video na mapapanood sa IG account ng tatay ni Alden. Bagets na bagets pa si Alden sa video pero noon pa man, pang-showbiz na talaga siya.

“Nakakatuwa kasi parang last Christmas, niregaluhan ako. May regalo ‘yung pinsan ko, video, old video ng Pasko namin, siguro mga twenty years ago. So nakita po ‘yon sa social media, in-upload ng tatay ko.

“‘Yun po ‘yung unang video na nakita ko ‘yung nanay ko, for the longest time so, Ma, siyempre, everyday naman, nagdarasal ako, lagi kitang kinakausap na sayang pa rin na you didn’t get the chance to experience these.

“Basta grateful ako na binigyan mo ako ng chance na mabuhay sa mundo. Grateful ako dahil sa’yo, marami akong buhay na nata-touch and nakapagbibigay ng kaligayahan so Ma, kung nasaan ka man, everyday is a day with you and everyday, I celebrate you as part of all of these. I love you Ma,” ang gumagaralgal ang boses na mensahe ni Alden para sa nanay niya.

Alden birthday wish na matanggal ang hatred ng lahat

Siyempre, hiningan din si Alden ng birthday wish niya at hindi personal ang kanyang hiniling kundi para sa lahat.

“Ang wish ko lang po talaga, sana po matapos na ‘yung hate. Matanggal na ‘yung hate sa puso ng mga tao kasi ang daming puwedeng ipagpasalamat  araw-araw na hindi natin  nakikita ‘yung kamalian ng iba at sabi nga nu’ng nag-text sa akin kaninang umaga, do more whatever makes you happy. 2018 will be big for all of us,” ang birthday wish ni Alden.

Papa Tony sinagot ang wish firetruck ng contestant

Ang suwerte naman ng contestant kahapon sa Sugod Bahay ng Eat Bulaga dahil natupad ang wish niya na magkaroon ng sariling firetruck ang kanilang barangay.

Volunteer firefighter ang contestant na humi­ling ng firetruck na mabilis natupad dahil sinagot ito ni Papa Tony Tuviera, ang big boss ng Eat Bulaga.

Nagpunta kahapon sa Broadway studio ng Eat Bulaga si Papa Tony kaya napanood niya ang hiling ng lucky contestant.

Bukod sa donasyon na firetruck sa kanilang barangay, magkakaroon ng bagong pustiso ang contestant dahil napanood ng isang dentista na maluwag at nalalaglag ang dentures niya.

Naloka lang ako kay Jose Manalo dahil siya ang nag-alis at nagkabit ng pustiso ng mhin, gamit ang kamay niya. Ang sey ni Jose, nahulog nga siya sa kanal na mabaho kaya hindi isyu sa kanya ang ginawa niya na paghawak sa pustiso ng contestant.

Lorna bida ng Asintado

Mapapanood na uli sa TV si Lorna Tolentino, simula sa January 15 dahil isa siya sa mga bida ng Asintado, ang afternoon drama series ng ABS-CBN na ipapalit sa timeslot ng Pusong Ligaw.

Co-stars ni LT sa Asintado sina Julia Montes, Paulo Avelino, Cherry Pie Picache, Nonie Buencamino at Shaina Magdayao. Ang Asintado ang comeback project ng direktor at congressman na si Lino Cayetano.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with