Ellen at John Lloyd

‘F*ck you 2017’ - John Lloyd!
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - January 3, 2018 - 12:00am

F*ck you 2017 you didnt break me. Salamat,” ang caption ni John Lloyd Cruz sa pagpasok ng bagong taon sa kanyang Instagram account.

Naging controversial si John Lloyd nung nakalipas na taon dahil nga sa relasyon nila ng sexy actress na si Ellen Adarna na ngayon ay sinasabing preggy. Wasak na wasak siya sa nag-viral na video kung saan parang langong-lango ang hitsura niya.

Bagama’t negative ang naging dating ng tungkol sa kanila parang hindi naman nabawasan ang endorsement niya kaya siguro nagpasalamat din ang actor.

Pero ang wala pang balita ay kung magkakaroon siya ng new show sa ABS-CBN ngayong 2018 o kung babalik siya ng comedy show Home Sweetie Home kung saan nag-umpisa ang sa kanila ni Ellen.

Nag-file ng leave of absence si John Lloyd nang magbakasyon sila ng girlfriend sa Europe sa ABS-CBN.

Bago ang sa kanila ni Ellen ay nabalitang nagkabalikan sila ni Angelica Panganiban kaya nagulat din daw ang actress na meron na pala sila JLC at Ellen at nalaman lang daw nito sa social media.

Ngayon ay inamin na ng actress na ok na siya na bagama’t nagdala sa kanya ng sakit ng ulo ng 2017, naging masaya naman daw siya.

Si John Lloyd naman at Ellen ay walang direct admission sa isyung buntis na ito kahit nakikita na silang nagpapa-ultrasound ng kanilang baby sa St. Lukes Global.

Consistent din ang actor sa pag-a-upload sa kanyang Instagram account na hindi gamit ang tunay niyang pangalan ng mga kakaibang image na hindi rin ma-gets ng kanyang ibang followers.

Lagi pang late sa shooting aktor nagdusa sa akting ng leading lady!

Nahirapan palang umarte ang isang aktres sa pelikulang pinalalabas ngayon sa Metro Manila Film Festival (MMFF).

As in hindi raw na-satisfy ang director sa acting ng aktres kaya nakakailang take si actress bago natatapos ang isang eksena.

Hindi raw nito na masabayan ang leading man na walang effort ang husay sa kanyang ginampanang role.

Buti na lang daw at supportive ang actor.

Bukod dito madalas pa raw magpahintay ang actress sa shooting. In fact, sa location daw nila na out for the country ay si actress ang huling nag-board. Super late daw ito at muntik-muntikan na talagang maiwan ng eroplano. Kaya ang ending ang aktor na naman ang super wait sa kanya.

Buti na lang daw at super gentleman ang actor at walang kahit anong naririnig dito.

Natapos naman ng maayos ang pelikula at parang wala namang ganung pangyayari ayun sa source.

Lilipatang bahay nina Billy at Coleen handa na

Malapit nang matapos ang titirhang bahay ng ikakasal na sina Billy Crawford and Coleen Garcia.

Binisita nila ito ngayong bagong taon ayon sa IG post ni Coleen. “Visited the #crawfordcrib, which is still a work in progress. First thing we did together this year Starting 2018 with hearts full of gratitude, hope, and faith! Excited for where God will take us this year,” ang caption niya na kuha sa parang napakalaking bahay nila.

Nililihim din nina Billy at Coleen ang detalye ng kanilang kasal pero kamakailan ay nagkaroon sila ng pre-nup pictorial sa Ethopia, isa sa pinakamagandang bansa sa Africa. Tulad nina Erwan Heussaff at Anne Curtis, destination wedding din sila.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with